Quantcast
Latest Stories

Dumating na ang araw n’yo

By:

Tapos na nga ang Linggo ng Wika, pero hindi pa rin naman tapos ang Buwan ng Wika, pwede pang ihabol ito. At kahit na kantong Tagalog pa rin lang ang alam ko, pipilitin kong mabigyang anyo ang nararamdaman ng bayan ngayon. Baka nga mas angkop ang salitang kanto para dito.

Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng sinulat ko ang “May araw din kayo” bilang pagtugis sa mga bwisit sa ating buhay. Di pa rin tuluyang nawawala ang mga bwisit na ’yan, pero masasabi na nating “Tapos na ang maliligayang araw n’yo.” Sa totoo, pwede na nga rin nating sabihing “Dumating na ang araw n’yo.”

Para ’to sa kanila:

Kayong mga nagsasabing lubayan na ang pag-usig sa mga nandaraya, nandarambong, at nagsalaula sa bayan nitong nakaraang dekada dahil ito ay persecution o paninikil at walang magandang naidudulot sa bayan, kami ang lubayan n’yo. Kami ang tantanan n’yo. Kami ang tigilan n’yo. Bumenta na ang dramang ’yan, nilalangaw na sa takilya and sarswelang ’yan. Noon pa ’yan sinasabi ni Imelda, na me paiyak-iyak pa, me pa dab dab pa sa mata ng panyolitong binababad sa pabango, persecution daw ang pag-usig sa kanila. Persecution daw ang paghabol sa ninakaw nila. Persecution daw ang pagsisikap na maikulong sila.

Kung nilalait ka dahil pandak ka, maitim ka, steel wool ang buhok mo, ang tawag d’yan ay persecution. Kung inuusig ka dahil magnanakaw ka, mandaraya ka, walanghiya ka, ang tawag d’yan ay katarungan. Kung nilalait ka dahil maganda ka, mayaman ka, matalino ka, ang tawag d’yan ay inggit. Kung inuusig ka dahil nagpakasasa ka, nagkasala ka, gumawa ka ng katiwalian, ang tawag d’yan ay dapat lang.

Kung hindi mo alam ang pagkakaiba n’yan, barilin mo na lang ang sarili mo sa puso.

Kayong mga prayle na labis na nasindak sa paintings na me lalawit-lawit na ari ng lalaki sa mukha ni Hesukristo, di n’yo ba naisip na kayo ang tinutukoy n’yan? Na kayo ang naghahagis ng kung anu-anong kalaswaan sa mukha ng inyong Poon, na Poon din ng nakararaming Pilipino? Ano’ng sabi n’yo nang nabulgar ’yong paninikil n’yo sa PCSO? Ang PCSO ang dapat magpaumanhin sa inyo dahil sinabi nitong nangikil kayo ng Pajero samantalang ang totoo ay nangikil kayo ng Montero? At ano’ng sinabi n’yo nang mabuking ang paborito n’yong presidente na nagnanakaw ng boto? “Lahat naman sila nandadaya”?

Di n’yo lang pinapaskelan ng mga ari ng lalaki ang mukha ni Kristong Hari sa mga ganyang asta. Hinahagisan n’yo ito noong bagay na lumalabas sa inyo pag nakaupo kayo sa trono.

Gusto ko rin sanang sabihin na bumenta na ’yan, nilalangaw na ’yan, pero panahon pa ni Rizal ginagawa n’yo na ’yan at tunay na himala na hanggang ngayon ay nagagawa n’yo pa ’yan. Daig ang “Ten Commandments” na isang taon na sa Galaxy pinipilahan pa rin ng mga deboto. Pasuot-suot pa kayo ng puti and paki-pakita pa kayo ng pagkagimbal sa makasalanang mundo. Di ba si Kristo na rin ang nagsabi na ang nasa loob ng magagarang libingan ay naaagnas na balat?

Ikaw naman Mike Arroyo, nabisto ka na, papalusot ka pa. Buti secondhand helicopter ang binenta mo sa mga kakuntsabang heneral, hindi Tamiya. ’Di ka pa nakontentong magpamalas sa publiko ng kawalang kabusugan, nagpamalas ka pa ng kawalang galang sa kaugaliang Pilipino.

Di ba sa ating mga Pinoy, kapag kuya ka, ikaw ang tagakupkop sa nakababatang kapatid, ikaw ang tagatanggol sa nakababatang kapatid, ikaw ang tagaprotekta sa nakababatang kapatid? E, ikaw, e, para lang mailigtas ang sarili, una mong binabalato ’yung nakababata mong kapatid, una mong pinapahamak ang nakababata mong kapatid, una mong hinaharap sa bala ang nakababata mong kapatid. Ginawa mo na s’yang Pidal, gagawin mo pa s’yang taga ukay-ukay ng helicopter.

Gusto ko rin sanang sabihin na ’yong isa naman ay Dakilang Martir or Dakilang Tanga. Pero nakinabang din, naging kongresista.

Tanga man, di naman dakila.

Kayong mga Comelec commissioners, mga heneral, mga kongresista, at mga obispong tumulong kay Gloriang mandaya at mailuklok s’ya sa poder, huwag kayong mag-alala, dadamihan namin ang mga kulungan para lang mapagkasya kayong lahat. At least pwede kaming mangarap na makukulong din ang mga pekeng alagad ng Diyos. Hindi na kayo nahiya, kayo pa naman ang naturingang tagapagtanggol ng halalan (Comelec), tagapagtanggol ng bayan (AFP), tagapagtaguyod ng batas (Kongreso), taga gabay sa moralidad (Simbahan). Tindi n’yo mga tsong. Binaboy n’yo ang mga institusyon n’yo.

At ikaw naman Gloria, paawa epek ka pa d’yan, bigla kang magkakasakit nitong mga araw na malapit ka nang tamaan ng kidlat. Sabi ng mga kakampi mo, teka muna, totoo namang me sakit ka, at malubha pa. Sensya na, pero ganyan talaga ang sinasapit ng mga taong nagsasabi na hindi tatakbo pero tumatakbo, “I am sorry” pero hindi naman sori. At ipagpalagay na nating totoo ngang me sakit ka, at malubha pa, ano ngayon?

Naaawa nga kami sa iyo, mas naaawa naman kami sa sarili. Naaawa nga kami sa pamilya mo, mas naaawa naman kami sa bayan.

Sa loob ng sampung taong nakaratay ang bayan, naawa ka ba? Sa loob ng sampung taong namimilipit ang bayan, nahabag ka ba? Sa loob ng sampung taong nag-aagaw hininga ang bayan, nabahala ka ba? Ano, kakalimutan na lang natin ang hustisya dahil me sakit ka? Ipagpapaliban na lang natin ang katarungan dahil me karamdaman ka?

Kapareho ka na rin nung mga pinatatawag sa Senate hearing na biglang nagme-“may I go out” dahil nakakaramdam daw sila ng mataas na presyon. Aba’y dapat lang tumaas ang presyon n’yo.

Ang ina n’yo, na si Inang Bayan, ay nananangis. And ina n’yo, na si Inang Bayan, ay naghihinagpis. Ang ina n’yo, na si Inang Bayan, ay nagngingitngit.

Pero me bawi ang lahat, pumipihit din ang panahon. Lintik lang ang walang ganti. Tanga lang ang di nagkakaroon ng hustisya. Bampira lang ang di nasisilayan ng liwanag.

Dumating na ang araw n’yo.


More from this Column:

Recent Stories:

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Tags: Buwan ng Wika , Comelec , Gloria , Inang Bayan , kantong Tagalog , Mike Arroyo , Montero , Obispo , Pajero , pandak , PCSO , persecution , Pidal , Tagalog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
  • http://twitter.com/yogon Camillo

    Magaling, magaling!

  • http://www.facebook.com/people/Leonard-Mendoza/100001166231699 Leonard Mendoza

    hahahahaha nice! idol so true

  • http://pulse.yahoo.com/_VKMVRQ5BMAAFDECXCSPRZJEFJI Eduardo

    Kuyang Conrad, ang mga ganitong banat sa wikang Pilipino ay dapat madalas mong ginagawa at hindi paminsan-minsan lang para mas higit na naiintindihan ng mas nakakarami nating kababayan. Talagang ang mga salaula sa nakaraang administrasyon at maging sa kasalukuyan ay dapat makatanggap ng matitinding banat at baka sila magising sa matagal na rin nilang pagkakaidlip sa banig ng kawalanghiyaan at pagmamalabis sa katungkulan. Mabuhay ka!

  • Anonymous

    Eksena talaga ni Meldy ito: “…sinasabi ni Imelda, na me paiyak-iyak pa, me pa dab dab pa sa mata ng
    panyolitong binababad sa pabango, persecution daw ang pag-usig…”sabi ni CDQ. Hahaha
    Sa New York grand jury na absolto si Meldy sa racketeering at iyan ang eksena.hehehe
    Walang ginawa ang walang talo niyang abogado na si Gerry Spence kundi ilagay si Meldy sa “stand” para sa “eksena”.

  • http://pulse.yahoo.com/_6O2T3UY7GBUQFE35WHATEXYCZQ ron

    Ang galing CDR! Kahit sa Ingles o Tagalog man, ang “baho” ng mga gawaiin Arroyo ay hindi matatakpan. “Excuse me dahil may sakit ako” ang palaging dahilan nila. Sana nga magkatotoo!

  • http://pulse.yahoo.com/_VMUBJCKMXMR5CVQITA4KEXNURA Mang Dolphy

    Maraming palakpak ako sa iyo Idol! Yan ang banat! Kung puede lang, medyo dalasan mo nga ito. Mas matindi ang tama nito. Paki dalasan mo rin banat kay Lola Meldy at sa mga kadugo nya.Medyo nakakalimutan na kasi ng bayan ang mga kahalayan ginawa nya noong sila pa ang naghahari. Sama mo na rin si Bongbong. Gusto pa yata maging presidente nito. Nakakakilabot nga isip[in pero baka seryosuhin  kasi ang daming datung. Sigurado walang ubos ito.

  • Anonymous

    Kung ganitong tagalog lang sana ang maririnig natin mula sa mga tinaguriang ‘komentarista’ sa radyo at ilang talk show sa telebisyon, aba’y malaon na sanang tumagos hanggang anino ng mga Pilipino ang mga ipinupunto ng mga panig sa katarungan at katwiran. Matuwid lang na “Kantong Tagalog” sa istilong CDQ, Pete Lacaba, Jun Cruz Reyes atbp. ang maghari sana sa airwaves — walang pa-shobiz, walang pakyeme, walang ek-ek. Mabuhay ka, repapips Conrad!

  • http://pulse.yahoo.com/_IOQ4UHZ3OCDDBDOWCA5O3AEQBM Cayetano

    Hindi lang sa loob ng sampung taon tayo binaboy ng mga opisyal o nakataas sa atin, halos sa lahat ng pagkakataon. Sa panahon ni Gloria lalong sumama at nagpasasa. Ang mga maliliit na mamamayan ang laging natatamaan. .  Ganito na talaga ang buhay, kung sino ang nasa puesto siya may gustong magnakaw at mangbaboy. . Tama ka! May araw din sila, pero ang tanong kailan pa kaya? ?. . 

  • Anonymous

    banatan si lola meldy?  umurong na ang bayag ni de quiroz ng kahahabol ke meldy  … walang nangyari ng kaiingay n’ya tungkol sa marcoses  …. wala din nangyari sa araw-araw na patutsada niya ke ramos  … at ni hindi man lang ininda ni erap ang mga binato n’ya. … oooops, kakampi na pala n’ya si erap ngayon …

    at ano na ang nangyari sa mga batikos ni de quiros ke cory?  anim na taon na presidente si cory at anim na taon din na walang puknat ang tira ni de quiros  …. ano ang nangyari sa mga ginawa ng cory administration noon?  hindi totoo ang mga banat  ni de quiros?  mali ba si conrado noon? nagbabago pala ang pananaw pag sinampal sa mukha ang sandamukal na pera  ….

    natapalan na si “idol”  … appointed na si utol …. nagbunga din ang kasisipsip ke simeon  … sigue pa conrad, hindi pa na appoint si kumander at mga kamag-anak … dami pang dapat ma appint …

  • Anonymous

    Iba talaga ang dating ng sariling wika…malutong!!!

  • Anonymous

    Kasi pwedeng jury ang sa tate eh.

  • http://pulse.yahoo.com/_EAUFRN6E4JJ67TDR25KRGR3DFE Zen

    kawawa ka naman.

  • Anonymous

    Kung maaari sana na lahat ng salitang ginamit ay sa Pilipino.  Walang ‘me’ sa tunay na Pilipino, ito ay ‘mayroon’ o ‘mayron’.
    ‘Dito’ ay ginagamit pag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, at ang ’rito’ ay sa patinig (a, e, i, o, u).
    Maraming salamat.

  • Anonymous

    very good. ay tagalog pala dapat. ano ba tagalog ng very good. hehehe

  • Anonymous

    “Ang PCSO ang dapat magpaumanhin sa inyo dahil sinabi nitong nangikil
    kayo ng Pajero samantalang ang totoo ay nangikil kayo ng Montero?”

    Ang mahirap maintindihan dito sa mga Padre Damaso  e kung bakit gusto nilang ipakitang di naman ganon kamahal ang kinikil nila  kay Gloria. Parang ang gusto nilang palabasin e mas magaan sana ang pagkakasala ni Hudas pag 15 pirasong pilak lang at hindi 30 na pirasong pilak  ang pagbenta nya kay Kristo. Ke Pajero, Montero o segunda manong Strada ang kinuha sa PCSO sa pamamagitan ni Gloria, binenta pa rin nila ang kanilang dangal at kaluluwa.

  • Anonymous

    Very well said Mr. De Quiros. Mabuhay ka!!!

  • Anonymous

    Galing….

       walang matigas na tinapay sa mainit na kape……

  • Anonymous

    Ngayon lang ako nag-basa ng article sa Philippine newspapers na hindi kailangan gumamit ng thesaurus. Ang mga komentarista kasi natin mahilig gumamit ng malalim o fancy English, gayung meron naman simpleng English word na maaring gamitin, gaya ng mga articles o momentarista sa mga English newspapers sa ibang bayan — na hindi ko kailangan tumingin sa thesaurus o diksyonario. 

    Sabi nga ni Oliver Wendell Holmes,”I would never use a long word, even, where a short one would answer the purpose. I know there are professors in this country who ‘ligate’ arteries. Other surgeons only tie them, and it stops the bleeding just as well.” 

  • Anonymous

    he, he, he  .. very sad  .. indeed for you bud  … mukhang hindi mo alam ang “background” ni conrado  ….

  • somerset maugham

    mahusay! =)

  • Anonymous

    Ang Galeng! Saludo ako sa yo Ginoong De Quiros. Tama po yan. Huwag natin tantanan ang mga lecheng yan!

  • Anonymous

    At dun sa nag sabi na our native language is not a language of the learned…isa lang ang masasabi ko sayo kahit kaya ko sabihin ng ilan klaseng ulit sa salitang Pilipino…GAGO!

  • Anonymous

    Napakahusay!

  • Anonymous

    e, hanggang sa ngayon araw-araw maliligayang araw pa din nina imeldaPWE, enrilePWE, atbpPWE. kung sila nga na mga naunang mandarambong, hapi everafter hanggang sa ngayon, yun pa kayang durang bubwit, pamilya’t aliporesPWE…

  • http://www.facebook.com/people/Jose-Hernani-Parco/100000334088180 Jose Hernani Parco

    ha ha Mr. De Quiros, ang dami mong nasapol dito, lintek lang ang walang ganti sabi nga! tumatalab hanggang buto, ewan ko lang ba kong tinablan nga talaga ang mga ito sa pagkakakapal ng mga i’yan!

  • Anonymous

    B U L L S E Y E    . . . . .  sa Tagalog  . . . . .    SAPOL  NA  SAPOL

    Mabuhay kayo Conrado  

  • Ed Molina

    mukhang ikaw dre ang hindi nakakaalam ng background ni de quiros. kung nakinig ka noon sa burol ni cory maiintindihan mo kung bakit biglang nagbago ang pananaw ni de quiros kay cory. hindi pa appointed ang utol niya noon dahil hindi pa naman presidente si noynoy noon at wala pa siyang balak tumakbo. kaya ano ang sinasabi mo ngayon na ‘natapatan’ at nasampal ng pera?

  • Ed Molina

    ha ha ha! napatawa mo talaga ako de quiros sa mga banat mo! sabi nga ng isang nag-post dito, iba talaga ang dating kapag wikang pilipino, o sa kasong ito, salitang kalye. sapul na sapul ang mga hinayupak!

  • http://pulse.yahoo.com/_T7DJBD3ZOZFENRNEGSLBG3525Y julio

    Nadale mo Mr. Quiroz ang sentimiento ng tahimik na mayoria. Sana mabasa at matauhan ang mga pinatamaan sa artikulong eto.

  • http://www.facebook.com/people/Leo-Paras/100000161187703 Leo Paras

    “panahon pa ni Rizal ginagawa n’yo na ’yan”? Correction please CDQ, panahon pa ng medieval era ginagawa na nila yan, kaya ikinulong ng isang general ni Napoleon Bonaparte ang pope noon some time before the French Revolution

  • http://www.facebook.com/people/Leodegardo-Pruna/100000668583781 Leodegardo Pruna

    Magaling ang pagkakasulat pero napakahina ang kinatatayuan dahil sa hitik ng pagaalipusta at walang pakundangan pagbibintang. May dahilan ang pagsusulat sa ganitong pamamaraan at marahil hindi naman pawang tanga ang nagbabasa ng kolum na ito. Pagpalain tayo ng Panginoon.

  • http://www.facebook.com/people/Leo-Paras/100000161187703 Leo Paras

    “panahon pa ni Rizal ginagawa n’yo na ’yan”? Correction please MR. CDQ, panahon pa ng medieval era ginagawa na nila yan, kaya ikinulong ng isang general ni Napoleon Bonaparte ang pope noon some time before the French Revolution

  • Guest

    isulong ang Multilingual Education!!

  • Anonymous

    Nel Gonzales

    haNGA taLAGA AKO sa tagalog ninyo, sir conrad. tamaan sana lahat cla ng kidlat  lalong-lalo na ang mga hipokritong mga obispo kuno!!!!

  • Anonymous

    tumbok,sapol at bulls eye mo ang mga kawatan at mapagsamantala, pero ang problema, di nila alam ‘yon, na sila nga iyon at kakampi pa nila ang mga de kampanilyang abogado.

  • me meme

    Ang galing. Ang galing galing. Mas may puso at mas maiintindihan ng masang Pilipino. Salamat!

  • http://pulse.yahoo.com/_37P4EAMZ2S2PJ3SYLPKTZAAAWI Ernesto

    Maraming salamat sa isang artikulong tulad ng sinulat mo at iba pang naisulat mo na. Taga-subaybay mo  ako dahil naisusulat mo ang nararamdaman kong paghihirap. Para bang nakakaramdam ako ng instant justice tuwing babasahin ko ang sinulat mo. Ang problema lang, sobrang bagal bago sila pormal na makasuhan o makakasuhan pa ba sila? Sana abutan ko pa ang araw na yon para makaasa ako na hindi mararanasan ng mga anak natin ang naramdaman nating paghihirap. Mabuhay ka Ginoong Conrado, saludo ako sa yo. Muli, salamat…

  • Anonymous

    Huh? Layo nman ng komento mo, johnllander. Hindi naman tungkol sa araling Pilipino ang artikulo, isyung politikal and tinatalakay. Isa pa, sinabi na nga ni CDQ na kantong Tagalog ang gamit nya, e. Ano ka ba?

  • Anonymous

    Magaling lang si De Quiros magpaantig ng damdamin pero wala namang saysay at kabuluhan ang mga sinasabi. Magaling lang magpagalit at magbitaw na maaanghang na salita pero sa ilalim nito ay ang mababaw na pagkakaunawa ng tunay na suliranin. Magaling sa pananalita pero  makitid ang pagiisip at marahas ang layunin. Masarap pakinggan at basahin lalong lalo na kung galit na galit ka pero walang kahahantungan kung hindi ang pag-adhika ng panlalait at pagkutya ng kapwa. Ganyan din ang pinagsasasabi nya dati tungkol kay Cory, pero tingnan mo ngayon.  Magaling lang tumahol.

  • http://twitter.com/MarLouWang Marlou Wang

    Okay, okay, OK, OK!! SANA ANG PAGDATING NG ARAW NA IYON AY TUNAY NA MAGKAROON NG KAGANAPAN!!! hanggang ngayon wala pang nangyayari… malulunod na naman sa limot ang “expectations” ng mamamayan.

  • http://www.facebook.com/hildefonso1 Henry Ildefonso

    sa mga taong  tinutukoy mo dito ay dapat magawaran na ng parusa ngunit parang napakabagal ng hustiya. mapapram lang galit ng sangbayanan kung sila makulang sa lalung madaling panahon.

  • Anonymous

    Hangang-hanga ako sa mga artikulong sinusulat ni CDQ sa Ingles, pero para sa akin mas matindi ang dating kapag nagsusulat siya sa Tagalog, kanto man o hindi. Kumbaga, gumuguhit talaga ang bawa’t salita … para kang umiinom ng marka demonyo na walang halo! Mabuhay ka, CDQ!

  • Anonymous

    Mabuhay ka Conrado!! Kong meron kang salitang kanto meron din akong salitang bisdak. Anyway kahit in Pilipino the more you hit the bullseye!! Dumating na ang araw ni pandak sapagkat aalis na si bagyong Mina!! Ha ha ha…

  • Anonymous

    Sana nga ay tumuloy tuloy pa ang paghabol natin ng hustisya lalo na doon sa mga nagawa ng nakaraang rehimen.  Ipakita natin na hindi tayo pumapayag sa mga ganyang bagay.  Huli man daw e, maihahabol pa din. 

  • http://pulse.yahoo.com/_XT2FFXMQVJLOA7SVURELFAIWSM EDMUND

    sana mabasa ito ng mga taong pinatutungkulan nito. lubhang bulag ang lahat sa katotohanan. ang senado, hanggang inquiry lang, pagkatapos, wala na, wala ng pupuntahan ang bayan natin, lahat na lang hindi nakakasuhan. lahat natatapos sa wala. 

    mag maganda pa nung unang panahon, libre ang nutriban, libre ang pampurga, libre ang gatas sa school, libre ang turok sa school.

    mura pa nun ang gasolina, kasi kontrolado ng gobyerno, ngayon bulag at walang kamay ang gobyerno sa gasolina. pati sa elektrisidad, wala na ring kontrol. ang me kontrol sila, vat dito vat doon. ang nepeperwisyo, yung mga empleyado na syang regular ang buwis sa bayan, kumpara sa mahihirap na hindi nagbabayad ng buwis at sa mayayamang ipinapasa sa mga empleyado na me pambili ang vat dito vat doon.
    san na nga ba pupunta ang pilipinas?

    maawa naman kayo, kayong mga kurakot at kayong mayayamang puro sarili lang ang gustong umahon sa buhay…..

  • Anonymous

    Tumpak!

    Napakahusay!

  • Anonymous

    Puro kayo sariling wika! Eh saan kayo nagsisipunta, di sa ibang bansa para kumita.  Nagagamit nyo ba yang wikang yan doon?  Ok yan kung dito lang sa sariling bansa.  Tatangapin ba kayo sa mga bansang pinagtratrabahoan nyo kung hindi kayo marunong mag Ingles. Sikat nga tayo sa mga ibang bansa dahil dyan. Sariling wika? doon sa mga eskwater area kayo mag tuliksa, sikat kayo doon. Hoy De quiros mahilig kang mag bigay nang opinion kung saan popular, hindi ka patas….

  • gdarjuan

    E lahat tayo naghihintay hangang ngayon wala naman nangyari. Ano na nangyari sa kaso ng magnanakaw na si carlos garcia!? Kahit anong dakdak o sulat ninyo kung ang mga politiko ay lahat nagkakasundo sa maglustay ng kaban ng bayan e para tayong lahat nakatali sa leeg

  • Anonymous

    napikon din ang mama. ayan pinatulan tuloy kayo ni cdq

  • http://www.facebook.com/people/Jerome-Icarangal/1415220478 Jerome Icarangal

    TAMA! TAMA! Panahon na upang pagbayaran ang mga nagawang kasalanan. Yang mga pari na yan, dahil sa mga ginagawa nyo kaya lalo ako di umaanib sa Katolisismo khit pa na ang buong kmag anak ko sa father side ko ay Katoliko. Nawa’y ituloy lamang ng pamamahalang Aquino na bigyang katarungan ang ating bayan. Para sa akin, hindi pag-aaksaya ng panahon na tugisin ng pamahalaan ang mga katiwalian at katarantaduhang ginawa ng nakraang administrasyon. Tama lamang na ito ang isa sa mga pangunahing bagay na dapat tutukan ni PNoy.

  • http://www.facebook.com/greenermango ‘Noel Ortega

    hail cdq! tunay kang Pinoy!

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    May sipa kumbaga, parang Red Horse!

  • http://pulse.yahoo.com/_CMH2IANBQIPI5BJFPBS3M3DV54 Lynne Hart

    tunay na pagka-inam ng artikulong ito,sana mabasa ng mga pinatutungkulan, ipagpatuloy mo ginoong de quiros!

  • Anonymous

    haaay, naku. CDQ, nararamdaman ko ang galit at poot mo. ako man ay ganoon din ang nararamdaman.  kaya lang, ang masama ay wala ring kahihinatnan ang poot at galit natin. bakit?

    wala sa mga kinagagalitan natin ang makukulong. si imelda at ang pamilya nya, may nakulong ba? aba, WALA. sa katunayan nga eh naging senador pa ang anak at naging kongresista pa siya!!! ilan ba sa kanilang nagpasasa sa kaban ng bayan ang naipaklong natin? WALA. at ngayon umaasa kang makukulong din si gloria? Aba’y kongresista din sya ah?! Tunay nga sigurong tapunan ng basura ang ating kongreso…kung ganoon, ano pang maaasahan natin sa kongreso. tatawagin pa nating Honorable sila, di ba?

    haaay, yan sina mike, iggy, efren at ang anak niya, yung mga military generals at mga pari maghihintay lang yan sila na humupa ang galit ng bayan at patuloy na namang gagawa yan sila ng mga kababalaghan… tuloy ang ligaya, ika nga….

    samantala, tayo ay patuloy sa kahirapan at pagdurusa.  siguro, tayo ang dapat kumuha ng baril at barilin ang sariling puso…

  • Anonymous

    e sa ugali mong iyan, wag na wag ka talagang umanib dito… sinisisi mo pa mga pari…

  • Anonymous

    tama…!!! :)

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    parang ang nagsalita na 2 ang galing. tanung ko ba? anu ba nagawa mo sa bayan bilang pilipino. na share mo ba pera mo sa kamag anak mo at kapa wa mo? Ung nagsasalita tunkol sa pare ng masama epokreto. un ung taong pag nag na gsermon ang pare lumalabas. kung tutuusin wag katangahan pinapairal natin tayo at pare  parihas lang tayong tao kahit obispo pa man. ginago! tanong nyo at ikaw sa sarili mo kung may marami kang ginawa pra sa bayan mo kesa sa pare. kung ayaw mo sa catholic umalis ka. d ba dapt tinutulungan mmo d mmo sinisira?

  • http://twitter.com/makilingmiracle m pangilinan arenas

    mismo. sakto. natumbok mo, G. De Qiros.  taospusong salamat.

  • Anonymous

    BOOO!!! sobra ka namang manglait sa mga nagsasalita sa sariling wika. huwag mo namang lahatin ang mga kababayan mo…marami pa rin namang kagaya namin ni CDQ na nanatili sa Pilipinas kahit na mas luntian ang damo doon sa ibang bansa… 

    magagaling kami sa salitang ingles pero hindi yun nangangahulugan na mas salat ang aming pagkamakabayan kung ihahambing sa yo.

  • john nono

    naks, dumating na ang araw n’yo. parang totoo ah, sabi mo nga bumenta na yan.. grabe na to parang sa kalye lang ah ahahahahaha. kawawa naman si inang bayan ;-))

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Alam mo AntiAko, kahit hindi sila magdusa sa kulungan, MAGDUDUSA PA RIN SILA SA BUHAY NILA.  TINGNAN MO SI PANDAK, PIRMA NA LANG BUTIKI ANG KULANG LALAKAD NA ANG KARO NYA (Wag naman…pero kung sakale, okay lang…sa dame ng pinatay nya).  At bakit ko papatayin ang sarile ko para sa kanila, kung may magagawa naman ako para baguhin ang mga susunod sa ating henerasyon?

    Lahat ng bagay ay pansamantala lamang.  Kung madilim ang kinabukasan ng Pilipinas para sayo, hindi rin naman habambuhay yan…o kahit abutin pa ng habambuhay natin yan, yung susunod sa atin ang magbabago ng bansa natin.

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Eh ikaw?  Me nagawa ka ba para umunlad bansa mo?  O puro lang reklamo at pamumuna ang alam mo?

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    tamad ka kaya ka nag hirap

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    kaw tanung mo sarili mo kung anu angwa mo mas higit sa kanila.

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Oo nga…lage nating kinakaawaan si Inang Bayan…pero tumutulong ba tayo?  Ginagawa ba natin ang parte natin para sa kanya, kahit sa simpleng pamamaraan lang?

  • Anonymous

     Sobra ang galit natin sa mga MARCOS at mga kaalyados niLa   Kaya nga naitaboy natin sila.

    Pero ngayon kita naman natin na nakabalik na sila, mga nakaw na yaman di mabawi sa kanila. Balik na uli sa matatataas na pwesto.  Mga kaalyados niya, sina Danding Cojuanco, Lucio Tan, Floreindo, may ari ng Manila Bullletin, may ari ng Puerto Azul, at marami pang iba, hindi nakulong, hindi nakuha sa kanila ang nakaw na yaman.

    Ngayon galit na galit tayo kina Gloria, asawa at mga anak niya at mga heneral at mga obispo na naging taga-supporta niya.  Pero may makukulong ba sa kanila ? ANG PUSTA KO,  NADA! WALA!

    MAY MABABAWI BANG MGA NAKAW NA YAMAN NILA.? ANG PUSTA KO, WALA!

    DAHIL WALANG TAKOT KAY PRESIDENTE NOYNOY AQUINO ! ! !

    Patayan, nakawan, mga pulis na abusado, mga drug dealers and manufacturers, mga illegal recruiters at iba bang lowlifers, tuloy lang ang LIGAYA. Walang-walang natatakot kay P-NOY.

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    meron iakw ba. pwede mo ba sabihin?

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    parihas ata tayo pianglaban wag ung dakdak gawin ang dapat. 

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Kalma lang brad!  Ang puso mo, ang puso mo!  Kaya nga, kung wala man makulong sa kanila ngayon, at least, baguhin natin ang susunod sa ating ‘nabigong henerasyon’.  Sila lang talaga ang pag-asa natin para sa maayos na Pilipinas.

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Teacher lang naman ako…sa public school.  Bakasyon ngayon kaya tumitingin ako sa Inquirer at nakita ko ang post mo.  Ikaw, ano ka ba?  Ano nagawa mo?  Magreklamo?  Asan ang solusyon mo?

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Oo nga, kaya ako ginagawa ko ang parte ko, sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan…at wag lang puro reklamo…mag-ambag din tayo ng tulong para sa bayan.

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    kotong yo. d ko di ginaw ung mag puna kahit kaninung lahi. pupuna ako kung alam ko ginawang tanga ang isang tao kahit d natin kalahi. 

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Ah ganun ba…pasensya ka na at nanghihimasok ako…pero at least, may ginagawa akong maganda para sa bansang ito kaysa sa mga mamamayan nyang alam lang ay magreklamo.

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    ikaw ang pag asa para maayos ang pinas. anu ba gingwa mo ganyon? 22log ka?

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Ah ganun ba…pasensya ka na at nanghihimasok ako…pero at least, may ginagawa akong maganda para sa bansang ito kaysa sa mga mamamayan nyang alam lang ay magreklamo.

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Ah oo, kanina natutulog ako.  Wala akong sinabing ako ang pag-asa ng Pilipinas…ikaw ang nagsabi nyan, di ako.  Ang sinabi ko lang ay wag tayo puro reklamo, tumulong din tayo.

  • Anonymous

    Hay naku… napaka lungkot naman ng buhay ng taong walang magawa kundi magalit at ibinubuntong ang sisi kung kani kanino na lang… tsk tsk tsk.. sana masaya ka CDQ… sana nga…

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    mga taong walang ginawa kundi manisi porket naghirap sila. pero sabi nga ng kanoong friend ko. bakit gus2 gus2 ng pinoy ang pumunta ng us. e kami namn gus2 namin pumunta ng pinas. e d ba kasi anmn d makuntento ang tao

  • Anonymous

    Wow, nakangiti si Jose Rizal sa mga Pilipino ngayon. Marami na ang mulat, nakikinig at nagsasalita. Hoy mga bulag magsaliksik nga kayo kung maykatotohanan ang mga talakayan dito. Hanapin nyo ang tunay at mataas na karunungan. Laging magtanong. Nagdurugo ang kanyang puso sa mga tiwaling lider at di makaDiyos na alagad ng simbahan.

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100002425074187 Kotono Yuuki

    Tama!

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    wake up again mag basa ka. sinasagot ko ang nag rerekalmo. wala akong nereklamo sabuhay ko???

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    ok ur a teacher. saludo ako. d ung kabataan bakita patay ka na ba?

  • Anonymous

    Matagal na akong tagahanga ni Ginoong De Quiros at mas lalo pa akong humanga sa kanyang artikulong ito.  Ito ang DAPAT na mai-lathala sa unang pahina ng lahat ng mga dyaryo at tabloid ng buong bansa para mabasa ng masa.  Milyones ang makaka-unawa at mamu-mulat ang mga mata sa mga katarantaduhan at kabalbalan ng mga pari at obispo.  Milyones ang sisigaw at hihingi ng katarungan para sa Inang Bayan mula sa mga Arroyos at mga kampon nila, lalong-lao na ang mga walang moral na mga heneral.  Milyones ang mapu-pukaw at maga-ganyak ang damdamin para tulungan si Pnoy,  tungo sa ‘tuwid na daan”  Mabuhay ka Ginoong Conrado De (Jose Rizal) Quiros.  Dahil sa panulat mong ito, mas tumibay ang aking  paniniwala na “Dumating na ang araw nila”.  Sana naman sana, magsulat ka ng katulad nito sa isa o dalawang sikat na dyaryong Pilipino sa hinaharap para sa masang PINOY.

  • http://pulse.yahoo.com/_DOE4QY3KZBNUHEQZG44TKQMDXY scott

    si mike arrovo, ay isang dakilang rotarian.  mabuhay ang mga rotarian, pweee

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    aki? why do u like science

  • Anonymous

    CDQ sana gawin mo from time to time gawin mo yung gantiong pagsulat. Tumatagos sa sa laman ng mga tinatamaan. Pwede bang dagdagan mo ng P_ta_g In_…..ang sarap talagang magmura….

  • Anonymous

    Kung nilalait ka dahil pandak ka, pangit ka, steel wool ang buhok mo, nag-aral kuno sa States pero kabobohan naman ang pina-iral at akala pagnanakaw at kayabangan lang ang pagiging presidente, baboy ang asawa mo at biik ang tinig nya, mukhang butangero at kanto boy kahit galing sa mayamang pamilya, negosyong pang-mafia at sindikato lang ang alam, tirador ang mentalidad, at mapang-abuso ang mga anak nyo dahil yan ang natutunan sa magulang, ang tawag d’yan ay nagsasabi ng katotohanan, hindi persecution.  Katotohanan, dahil yan ang nararamdaman ng tahimik na karamihan na akala nyo mga bobo at mangmang, pero mga mapagmatyag pala at nakaka-intindi, na mga walang ninais ngayon kung hindi makulong kayo kahit na isang army ng mamahalin abogado ang kunin nyo at kakampi nyo ang karamihan sa Supreme Court, dahil naniniwala kami na walang magaling kung ikaw ay magnanakaw at mayabang.

  • Anonymous

    Kung ang asal natin katulad ng mga nagsasabi dito na “walang mangyayari diyan”, “may nakulong na ba”?, “kalimutan na yan”, “umusad na tayo”, “panglalait lang yan”, etc., etc., ang biktima ng mga asal na ito ay ang hustisiya. Kahit anong tagal na ng panahon kung maibubunyag ang katotohanan bakit hindi? Bakit hindi tayo tumulad sa mga biktima ng Holocaust…inusig ng mga Jewish zealots ang mga Nazis hanggang sa dulo ng daigdig kahit inabot ng mahigit 60 taon, kahit pulbos na si Hitler maipakita lang sa mundo ang mukha ng Holocaust perpetrators. Ang iba sa atin mababaw ang moralidad. Nilapastangan na ang buong pamilya, kaibigan, kapitbahay ang sasabihin lang kalimutan na yan umusad na tayo. Ganyan na ba tayo bilang isang sambayanang Pilipino?  

  • http://www.facebook.com/people/Reynaldo-Quijada/100000740291153 Reynaldo Quijada

    This guy Conrad is a prolific and brilliant writer but while he condemns injustice he does not mind committing injustice against others like priests and those who hold views different from his beliefs  whom he apparently detests. Among the de quiroses, some are good including those who believe they are but perhaps not but not all of them are good and this holds true for any group because as human beings we are all capable of committing the worst sins if we are not careful and for us sinners who happen to be Catholics if we do not avail of the grace of God because we believe that He is the only without sin. Sometimes you can not be certain if who is just among us and perhaps it is true that nobody is really just except Him!

  • Anonymous

    ganyan ang mga pang gising na balita ang gusto ko makita araw araw sana magkarooon na ng rebulosyon muli ng matikman ng mga arroyos mafia ang galit ng tao sana this time bitayin na sila ng taong bayan ng wala ng pamarisan

  • Anonymous

    Dumating na talaga ang payola for Conrad and his bro! Tsalap talaga sipsip kay Pnoy!

  • john nono

    gaya nang sabi mo sa simpleng paraan katulad nito ;-)) pero alam mo ba na may isang kalipunan ng mga pilipino na siyang nagbibigay ng kanilang dugo para mabuhay si inay? hulaan mo? samantalang ang mga bampira iniinum iyun hanggang abutan nang sinag ng araw… pero totoo ba na dumating na ang araw nila??? ,(

  • Anonymous

    In your dreams Conrad! Parang pareho kayo ni Pnoy ng sinasabi! Malamang ghost writer ka niya! No. Hindi malamang! Ikaw na! Ikaw na! Ikaw na at ang payola mo with your brother! Yahoo! Balato naman jan, Conrad!

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    ganyan ang balita! ganyan ang balita kay naghiirap ang pilipino

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000541554363 Ronnie Macaspac

    kung kay konsensya pa sila isa lang ang itanong natin sa kanila, ‘kaya ba talaga nilang sikmurain na galing sa nakaw ang pinapakain nila sa kanilang mga apo? magaganda nga mga suot nila pero saan galing pinambili? kung wala hustisya dito sa ating Panginoon meron

  • Anonymous

    Ikaw ang makitid ang isip.  Dapat ay barilin mo nalang ang sarili mo sa puso.  Hindi panla-lait kundi pagmu-mulat ng mga mata sa mga naka-pikit na katulad mo.  Kung noon ay nagsulat siya laban kay Cory, iyan ay pagpa-tunay lamang na wala siyang kina-kampihan pagdating sa maling gawain.  

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    naghihirap ka ba

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    kapatid ni FPJ yan. nbigay din ng per sa ILOILO c FPJ

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    Kaya bago umiyak mga anak n FPJ mahiya namn sana

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    bakt d sinsabi nila panalo c FPJ sa ILOILo

  • Anonymous

    bwa ha ha ha ha

    ang ina mo mikey ay hindi si pandak kundi ang inang bayan.

  • Anonymous

    naghihirap ako unawain pang unawa mo

  • http://pulse.yahoo.com/_2VLO53PRSSY76BZOWLOHJDM33M jeray

    Tangn in bata pa ako sinubaybayan ko na ung NPA at Haciaenda luisita. tan in bigay na lahat111 ang lupain d2 sa amin ang tang in  luista d pa. tan g in anu ba talaga noy lahat ng kapatid mo na kris tyano. daw. bakit walng sinabi2ngkol d2. 

  • http://www.facebook.com/people/Archie-Bernas/100002275318418 Archie Bernas

    Sa panulat ni Ginoong de Quiros ang masabi ko lang ay salamat. Salamat at naihayag mo ang pulso ng mga marami sa amin.

  • Anonymous

    para akong nagbabasa ng column ni Tulfo. lol

  • Anonymous

    MABUHAY KA. ISA KANG DAKILANG MANUNULAT.

    SANA PAMARISAN KA NG IBANG MANUNULAT.

  • http://pulse.yahoo.com/_SOEVHIPPMHMHREOUIVH75FIVUE leonardoo

    Maraming, maraming salamat sa iyo Ginoong De Quiroz. Nasabi mo ang nilolob namin sa malinaw, matindi at karapadapat na sabihin, ibunyag, idiin at isigaw upang tumalab sa kaibuturan ng puso’t kaluluwa ng mga taong
    walang pakungdangan nagnakaw sa kaban ng bayan na siyang dahilan na maluklok ang inang bayan sa kahirapan, at binastos pa ang masagradong boto upang makamtan ang kapanyarihan at pagsasamantala sa kayamanan ng
    bayan.

  • Ed Molina

    nakngtokwa! eh kung hindi ka ba naman pala sira, ba’t ka magtatagalog sa isang lugar na hindi ka naman maiintindihan? natural ang gagamitin mong lengwahe doon ay yung maiintindihan nila.

    ang layo naman ng banat mo tsong.

  • Anonymous

    Here comes the Punisher.

  • Anonymous

    They easily jailed Erap because he got no brain.

    They can’t jailed GMA because she is a PhD graduate.

    PNoy will just pass punishing GMA…  like her mother Cory, she was more interested in running after the ill gotten wealth of Marcos than putting him to justice,

  • http://inquirer.net unokritiko

    This is what a true opinion is all about!!
    Kudos and mabuhay!!!! CDQ

  • Anonymous

    GO, GO, GO! Mr. De Quiroz. Maraming Filipino ang nagse share ng view na yan. Ewan ko lang ba kung bakit napakabagal ng hustisya sa bansang ito. Sa mga bansa sa Middle East, kapag nailatag na ang mga ebidensiya, nariyan na ang Verdict, kulong na. I think more than 80% of the Filipinos love to see Mr. and Mrs. Pidal convicted and spend their crooked life in jail for the rest of their wicked life. Nag uumapaw na kasi ang mga ebidensiya, ano pa ang hinihintay niyo? Ombudsman Morales, DOJ chief De Lima? Kasuhan na kasi noh! Kapag nakialam at humarang na naman ang prostituted Supreme Court? i-impeach sila, at isama ring kasuhan. Namimihasa na ang mga iyan, naturingang last line of justice, pero mga kawatan ang kinakampihan at hindi ang taong-bayan. Isama na ring kasuhan at ikulong sina Garcillano, Abalos, Rene Puno ng DILG noon kasi ay election manipulator yan, ang all Garci generals. Habulin na rin at kasuhan si Sir Raul O. Gonzales, binaboy niya ng husto ang DOJ sa panahon ng panunungkulan niya. Mabuti na lang at matino ang presidente ngayon, kung si Villar ang nanalo, o kaya’y si Gibo, do you think may mangyayari sa mga paghahabol kay Gloria at sa mga kampon nito?

  • http://www.facebook.com/bojmd Romero Dangoy

    Let Our Citizenry hear this !

  • http://pulse.yahoo.com/_6E5T7JCWXPQVOUK46JIZSKWZDE Eric

    can’t jailed is wrong grammar

  • Anonymous

    Napakagaling! Natumbok mo na naman G. De Quiros! Ako’y naniniwala hanggat matuwid ang landas ng gobyerno magiging mas magiging maunlad ang pilipinas. Itaga sa bato! Mabuhay ka PNoy!!

  • Anonymous

    thank you for your “intelligent” comment.

  • Anonymous

    mukhang nakulong na si GMA kasi past tense eh…jailed….susmiyo….

  • http://www.facebook.com/atejadasr.1 Abraham Tejada Sr.

    Ang ganda! Mas matinde ang dating Ginoong de Quiros! Request lang, pwede po bang gawin mong lamang ang tagalog sa iyong mga susunod panulat? Mas tumatagos sa buto, mas epektibo! Sana, pati ang editorial ng Inquirer, gawin ng wikang pambansa paminsan-minsan.
    Napapanahong pagtuligsa sa mga nagbabanal-banalang Obispo, mga walang kabusugang pamilya Arroyo, at ilan pang tiwaling opisyales ng bayan na sa tingin nila sa sarili nila ay mga panginoon ng silay maluklok sa kanilang tungkulin, na kabaligtaran sa sinumpaan nilang paglilingkod sa bayan. 
    Tama po kayo ginoong De Quiros, hwag nating tantanan ang ginawa nilang pagsasamantala, hwag tayong mahulog sa bitag nilang “persecution” daw ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon. 

  • janette malata-silva

    sapul.napakahusay!

  • Arthur Malmis

    Mr. di Quiros, ipagpanalangin ko po na sana ang lahat ng mga itinitukoy ay magkaroon ng konsensya! Alagad man ng Dyos o alagad man ng batas…wala na silang ipinagkaiba kay Satanas. I am a devoted Roman Catholic and sometimes I would rather pray directly to the Almighty above. Keep up the GOOD job!

  • Anonymous

    Gusto ko ‘to. Maraming salamat. Hustisya sa mga Pilipino…enforce prosecution of Politician Criminals!!!

  • http://pulse.yahoo.com/_ZTCDRJEC4ZDFPGO3YR7WZ3TXGY JohnR

    Sana dumating ang araw na isa ka sa nasa Senado para ipagtanggol ang taong bayan!  Kailangan ni Juan dela Cruz ang isang tulad mo. Mabuhay ka G. C, de Quiros!

  • Anonymous

    nakakakilabot pero tama si Rizal!

  • http://www.facebook.com/people/Edsel-Reyes/100000268065967 Edsel Reyes

    Ganito katindi kapag sariling wika ang gamit, malinaw para sa lahat ng mamamayang pilipino….saludo ako sa ‘yo Ginoong de Quiros…..

  • http://www.facebook.com/people/Edsel-Reyes/100000268065967 Edsel Reyes

    Ganito katindi kapag sariling wika ang gamit, malinaw para sa lahat ng mamamayang pilipino….saludo ako sa ‘yo Ginoong de Quiros…..

  • Anonymous

    Ikaw naman  ANTIPATIKO! di ko linalait ang ating wika, di sana ininglis ko na.  Harapin mo ang katotohanan na pag lumabas ka ng mahal nating bansa, hindi mo na magagamit ang minumutya mong wika kungdi sa kapwa Pilipino rin.  Magagaling at matatalino tayong mga Pilipino lalo na kung nakapagaral, dahil sa kulang sa praktice hindi natin makuha mabigkas ng tama ang English.  Pero champion ang pinoy sa panunulat, dahil sa mataas na paaralan ang tesis ay sa wikang Engles.  hindi makakasama na matutunanan natin ang maraming wika, tamo ang ating Bayaning Rizal sa lahat ng naratnan hindi na ligaw dahil sa katangian nyang alam na wika. Huwag ka sanang mag balat sibuyas. Mahal ko ang wikang Pilipino at lima pa. Tulad ng kastila, ilang ang bayan sa mundong ito na kastila ang salita? bakit hindi natin pinagpatuloy ang wikang yan? eh limang daan taon tayo nasakupan, buti na lang na maraming katulad ko na taglay pa yan wika.  Kung mahal mo ang ating Bansa kantahin mo ang Pambansang awit, sa sariling wika, sa Engles at Espanol.  Tignan ko lang baka sa Pilipino bumagsak ka na. Sa America o sa Espana inaawit ko yan para maiintindihan nila. Sooory ka na lang ha? sana may natutuhan ka.

  • Anonymous

    clap clap clap
    Mabuhay ka CDQ

  • Anonymous

    Tindi mo talaga, Idol! Mabuhay ang wikang Pilipino. Mabuhay ang lahat ng tagapagtanggol ng katotohanan at katarungan! Mabulok na sana ang mga alagad ni Taning!!!!

  • Anonymous

    d pa dumating ang araw nila parating pa lang pero malapit na.  maarami silang alibay. depende pati yan sa nakaupong tanodbayan. ang talagang inis na inis ako nang sabihin ng obispo na lahat naman nandaya. biro mo nanggaling yan sa isang taong inaasahang modelo ng katuwiran o pagiging matuwid. (pero sa mga sasakyang kanilang hiningi okey lang sa akin. di naman ginamit ng personal at malaparang at malabundukin ang pinaggamitan ng mga sasakyan at iilan lang sila. )maraming nakagang si gloria. lumakas tuloy ang loob niyang mandambong ng  di lamang boto pati salapi ng bayan.  lumaki ang ulo niya sa kapangyarihan at sinira niya nang lubusan ang mga institusyong panggobyerno tulad ng kumulek, tongreso, bank ko, kasundoluhan, neda ni neri, departamento ni joke-joke, departamento ni ebdane,philhealthcardniya, korte suprema pati na ng konstitusyon sa pagkakaalis ni joseph sa kadahilanang di natapos ang impitsment.

  • Anonymous

    uhh hope you don’t mind me asking but, don’t roman catholics pray directly to God?

  • Majuro Accountant

    Si FPJ ang tunay na presidente. Diba mas nakakalungkot na dalawang beses magkasunod bomoto Filipino ng artista kahit yong una ay nadawit na sa jueteng at sugal

  • Anonymous

    well it may have been a petty comment, but correct din naman hehehe

  • Anonymous

    tama ka bay. magaling magpaikot! rotarian eh.

  • Anonymous

    At parang isinaplano ang pangyayaring ito, na sa panahon ng ating linggo ng wika, ay nagkagulo sa isang sesyon ng ating kongreso nang ang mambabatas na si Ginoong Sergio Apostol ay hindi pumayag sa kapwa niyang mambabatas na gumamit ng wikang Tagalog sa pakikipagtalastasan sa kanya noong isang sesyon ng kongreso sa kadahilanang hindi raw siya nakakaintindi ng Tagalog at mangangailangan pa raw siya ng serbisyo ng isang tagapagsalin ng wikang Tagalog sa Ingles. Bukod sa kahiyahiya ang ginawang ito, isa itong sampal ni Ginoong Apostol sa kahalagahan ng ating sariling wikang Pilipino na ginawa sa loob ng ating kongreso mismo. At ang pambabastos na ito sa ating wika ay pinahintulutan pa ng ating mga ilang mabubuting mambabatas na siyang nagmandato sa kabilang mambabatas na gumamit ng Ingles sa pakikipagtalastasan kay Ginoong Apostol. Mamulat sana ang inyong mga mata sa inyong mga kamalian at kasalan sa ating mahal na wikang Pilipino, mga butihing ginoo ng kongreso.

  • Anonymous

    wag ng magtaka kung ang lahat ng mga arroyo ay magkasakit kapag may imbistigayon sa kanila ( malay mo nga at sana nga magkasakit na ng malubha ng matuluyan na sila lahat). ikabit naq sa kanila lahat ng malubhang karamdaman at humba pa ang buhay nila at paghihirap.

    Sana dumating na ang araw na yun

  • Anonymous

    Iba talaga pag sariling wika ang ginagamit.

  • http://ourdailybore.blogspot.com our daily bore

    angganda! idol talaga si dequiros! 

  • Anonymous

    Idol, iba talaga kapag wikang Pilipino, may dating. Sapol na sapol sir! Sana Pilipino na lang ang isulat mo, o kya kung english merong translation.

  • Anonymous

    salamat manong CDQ sa pagsasatinig ng aking saloobin. konting konti nalang at sakto na sa usapang kanto. kulang lang talsik ng laway at manaka nakang pag sasabi ng taos puso at bukal sa kaloobang kataga na magpapaliwanag kung ano ang trabaho ng pinagmulan ng mga taong tinutukoy mo.

  • http://twitter.com/NegaStars Nega Star

    Bravo, Mr. de-Q. Ang ina talaga ng mga iyan eh hirap na hirap na dahil sa kahayupan nilang walang humpay.

  • http://www.facebook.com/here.is.everything Nisa Opalla

    clap clap

  • http://pulse.yahoo.com/_SFY4Q6R2K5YUZEXXIJO3TLG2UM Aspo resurrection

    ano ba ang nakita mo ngayon kay Pnoy?palabasin ang mga kriminal dahil malaki ang naitulong noon eleksyon???KKK bahala na kayo dyan”walang mahirap kung walang kurap?” o “walalng kahirap-hirap ang pangungurap?”Kita mo BOC,LTO , Hacienda Luisita?…asan na ang 1900 vans?kaya lang pinalitan yang si Alvarez dahil para kay Pnoy okey na sa kanya ang perang nai-bulsa ni Alvarez kahit tanggalin man siya…ang tanong ni Igan sa GMA7…bakit ba nakakuha nang papeles sa LTO ang mga nakaw na sasakyan? sagutin mo nga yan dre? huwag kang dumak-dak nang dumakdak e tumulong ka nalang!!!…GIBO was the right person for president kaso mas marami sa atin bobo kasama na ako dyan, ke Pnoy ako bumoto, i regret dahil mas lalong lumala ang pang-aabuso.pweh!!!!

  • http://www.facebook.com/here.is.everything Nisa Opalla

    clap clap. 

  • Anonymous

    E ano naman kung ganon ang sinulat ko?  Paki mo.

  • Anonymous

    gusto ko ang mga banat mo sa mga obispo CDQ.. malaki ang galit ko sa kanila sa totoo lang.. kinamumuhian ko sila, pinandidirihan.. kung pwede lang sanang magmura..

  • http://twitter.com/Pransesa Francie Gee

    Sir Conrado–APIR!!!

  • http://pulse.yahoo.com/_TYG2JBEUQEW2GXCPGI3HC5VO5Y Ruben

    napakamabuting pagkasulat…mabuhay po kayo ginoong quiros. pero hinde ako sigurado kong dumating na talaga ang araw ng mag iyan wala pang kasong nasasampa ehhh!

  • Anonymous

    palakpak palakpak palakpak!

    ginuong cdq, galing, wala na akong masabi pa sapul na sapul nyo!

    buti wala dito si sergio apostol!?

  • Anonymous

    SAPUL na sapul ang mga alagad ng maiitim na BUDHI!

  • Majuro Accountant

    Mas marami nagsasalita ng Bisaya keysaTagalog sa Pilipinas

  • Anonymous

    “Tapos na ang maliligayang araw n’yo.” Sabi ni CDQ.
    Kaya?!!!
    Hindi kaya nagsasalita tayo nang patapos. Naumpisahan na ba ang pagsampa nang kaso sa mga tinagurian salot nang bayan? May naparusahan na ba?
    Maraming natuwa sa artikulong ito ni CDQ, kasama na ako, kahit wala naman tayong magawa para parusahan ang mga kawatan sa atin.
    Si CDQ kahit papano ay nagigising niya ang damdamin natin parang imulat tayo sa mga sobrang pahirap nang mga burgis na kawatan. Panulat ni Rizal sa Noli ang dating niya.
    Sangayon ako sa ginagawa ni CDQ: ang mang-ingay. Ang pananahimik ay tanda nang ating pagtanggap at pangsangayon sa mga kabulustungan sa ating lipunan.
    May araw din kaya sila? Sana!!!

  • http://pulse.yahoo.com/_XORBNABOKWDHSAT26V264VCRYU Benedicto

    Sa totoo lang

    (just can’t help it…but express my random thoughts about the
    whole thing –Mayuga whitewash, Hello Garci,  Poe vs Arroyo presidential elections….)

     

     

    hanip sa kapal ng apog!

    mga berdugo saplot ng “Mabini”,

    luntian pa yata dahll sa berdeng galing kay Uncle Sam.

    di pa nabusog sa yaman ng bansa

    inalipusta pati ating kinabukasan!

     

    sagradong boto ng mga dukha,

    ito’y sinulat sa 
    dugo at pawis ng bawat mamamayan;

    natatanging pag-asang makabangon muli,

    upang makitang muli ang pagsikat ng perlas ng silanganan;

    akayin bumalik ang mga lumisang mga bayani ng bayan.

     

    hinablot, inagaw, dinagdagan, binawasan!

    napawi ang katotohanan, mali ay pumaibabaw!

    sagad sa kaluluwa ang pagtanggi sa tawag ni Garci,

    nanalo daw, nagsaya lahat, maliban sa ilang matatapang

    na di tumalikod sa salamin ng katotohanan.

     

    “lintik lang ang walang ganti!”, di yan magandang asal!

    nasaan ang Diyos dito sa lupa, nainis na ba at lumisan?

    bakit ang mga walanghiya ang nagtatamasa?

    sa totoo lang, di maitatago ang aso ng usok,

    pilit malanglanghap ang amoy ng hawot.

     

    panalangin ng bansa, pangungulit ni Juan

    sa mga nagsusumamong iyak ng mga paslit

    kasabayang ingay ng pagkakalkal ng mga askal,

    durugin ang kabulaanan, ipaglaban ang katotohanan!

    sa totoo lang, kund hindi ngayon, magandang bukas ay lilisan.

     

     

    -d

    20.agosto 2011

  • http://twitter.com/mgb819 MGB

    Ginoong de Quiros, nagbibigay punyagi ako sa sinulat mong ito; palagi-an kong sinusubaybayan ang column mo at ito na marahil ang isa sa pinaka-hinahanga-an ko; deretso, walang paligoy-ligoy at walang patumang-ga sa pagsasabi ng tunay na saloobin ng matagal ng nagki-kimkim na sambayanan.

    Mabuhay ka at aking ipag-darasal na mamalagi kang malusog at malakas upang ma-ipagpatuloy mo ang marangal mong pagsusulat at layunin para sa bayan  

  • http://twitter.com/ka_marks TheGUM

    Tinira mo na lahat Conrad pero wala kang sinabi sa talagang mga nagpapahirap sa bayan at sa mundo—ang mga kapitalistang sakim.  bakit ganyan ang “style” mo ngayon?  alam ko hindi ganyan kababaw ang isip mo.  bakit? takot kang mawalan ng trabaho? kung mali ako, sorry.  pero puro na lang pari at si arroyo tinitira mo.  hindi mo nakikita kasamaan ng mga “capitalists.”  wow.  kung ganyan lang pilipinas na pati ikaw mukhang bulag na, talagang mahihirapan magbago bansa natin.

  • Anonymous

    Ayos to  Pre Condrad, tumbok na tumbok ang dapat tamaan (kaso ang gagaling nilang umiwas pero pasasaan ba at sa kaliwa’t kanang pagbabato ay masasapul din ang mga iyan)… nawa’y magsusulat ka pa sa wikang nakakaagapay ang karamihan para mas lalong maiintidihan at maunawaan ang gustong ninyong ipaparating… Mabuhay ka CDQ

  • Anonymous

    Sorry pero mukhang hindi lng si De Quiros ang bulag dito

  • Anonymous

    oo marami at simple lang, dime nagtatapon ng balat ng kendy sa kalsada, tumatawid sa tamang tawiran, sumasakay sa tamang sakayan at iba pa….

  • http://twitter.com/sheldonblanc Sheldon Blanc

    Naluha ako… Iba talaga ang dating ng isang artikulong gamit ang kinalakhan mong wika. Iba…

  • Anonymous

    tulad mo kaibigan ako’y umaasang maparusahan ang mga sinunggaling at mandarambong ng bayan, alam ninyo kung sino-sino kayo

  • Anonymous

    Ako ay nananangis, naghihinagpis at nagngingitngit! Ibigay ang hustisya. Itaas natin ang antas ng ating katarungan sa bansa. Pagbayarin ang mga nagkasala sa taumbayan, maging sino pa sila. Panahon na ng pagbabago. Panahon na para ikadangal natin ang bansang Pilipinas.

  • http://pulse.yahoo.com/_2WNJZOAAACFUVZZTEABFXJ5J4A Rodel

    Sana nga katarungan ay mailapat, at siyempre pa naniniwala rin tayo na nasa Diyos ang huling paghihiganti… lahat ng di mailalapat ng pamahalaan ng tao Diyos ang maglalapat at mas makatarungan kaysa sa pamantayan ng katarungan ng tao. 

  • Anonymous

    TheGUM kahit na ang idolo mong mga Komunista sa Tsina ay mga kapitalista na din. Nalipasan ka na ng panahon kung maka-komunista pa ang ideolohiya mo. Napaka 70′s. At kung hindi dahil sa mga “kapitalista” siguro wala kang trabaho ngayon.

  • Anonymous

    Paki-paliwanag naman ang kasamaan ng mga ‘capitalists’. Ang sa aking palagay ay makakabuti kung marami tayong maaakit na mga capitalists o mamumuhunan. Ang mga namumuhunan ang susi upang magkaroon ng trabaho at tumaas ang kita ng mga mamamayan. Maski na maliit magpasahod ang ilang negosyante, habang kumokonte ang walang trabaho ay tiyak na tataas ang sahod. Gusto ko sanang sabihin na ang mga grupong Bayan/KMU/KMP/Gabriela/Piston at ang kanilang katulad ang mga tunay na perwisyo sa bayan pero siguro naman ay hindi na lihim ito. Kung iisipin, ilang trabaho na ba ang nagawa ng Bayan/KMU/KMP/Gabriela/Piston? Imbis ang grupong ito ay walang ginawa kundi mag-ngangawa sa lansangan.

  • http://pulse.yahoo.com/_XT2FFXMQVJLOA7SVURELFAIWSM EDMUND

    kung walang me kapital, walang trabaho. ano ipinagmamalaki ng mga pilipino raw na kapitalista sa ating bansa, MALL, Jollibee, at kung anu ano pang ang mga trabahador e mababa pa sa minimum ang sweldo.
    tapos ang mga ito pa ang nagpapatayo ng mga condo at kung anu anong estates na sobra mahal pero ang mga lupang binili ng mga kapitalistang ito ay napakamura.

    kumpara sa mga dayuhang kapitalista, milyong tao ang nakikinabang. kung wala sila, pano na ang mga economic zones, alam ko ang iba sa ating mga kamag anak ay nagta trabaho sa mga economic zones na ito.

    pero yung mga kapitalistang pilipino, kasama ng mga pulitiko, walang ibang ginawa kundi kuhanan ng pera ang bayan, yurakan ang mga pilipino sa pagtaas ng mga bilihin at kuryente. dagdagan ang vat at kung anu ano pa…..

    wala na yata talagang pag asa ang mga pilipino sa kapwa pilipino, puro kurakot at pagkuha ng pera ng mahihirap. mantakin mong pati expressway me vat. text me vat….

  • antonioluna

    mabuhay ka conrado de quiros.

  • antonioluna

    sabi nya nga salitang kanto ang ginamit nya.

  • Anonymous

    Alam mo Kotono Yuuki, Ed molina and the 2 more who liked this comment: I love you all for your optimism especially in our justice system.  I only wish I could share the same optimism.  Kaso kapag naiisip ko kung gaano ka iksi ng ating memory as a people I feel so disheartened. Tingnan nyo ang mga taong ito na minsan nagpasasa sa kaban ng bayan at kung nasaan na sila ngayon sa pulitika at lipunan:

    Bongbong, Imee, Imelda Marcos (eh di ba isinuka na natin sila dati, bakit ibinoboto pa rin)
    Juan Ponce Enrile (crony)
    Danding Cojuangco (true blue crony who was just rewarded with shares in UCPB)
    Erap Estrada (despite plunder malapit pang maging presidente ulit)

    perhaps you can add some more names to the list of cronies na bumaligtad lang eh naging hero pa…

    Ano nga bang magagawa mo para baguhin ang susunod na henerasyon? How many people’s lives can you honestly affect?  Try all you want but at the end of the day, you are just a drop in a large ocean, an ocean with a twisted sense of righteousness and such myopia and short memory…

    But hope, indeed, springs eternal. do what you must. and good luck!

  • antonioluna

    eh kaya naman paulit ulit ang panggagago sa atin ng mga damaso dahil kinapon ang NOLI at EL FILI ni rizal, ganyan katindi ang impluwensya ng mga demonyong damaso para itago ang kasaysayan at iligaw ang katotohanan.

  • Anonymous

    Talaga namang nakapagngangalit, nakapagtatagis ng bagang, nakakahalukay ng sikmura ang mga karumal-dumal na kasalanan sa bayan.  KATARUNGAN!

  • Anonymous

    mukha yatang nagre react ng husto ang pwersang maka kaliwa, Mr. De Quiroz! he he he he! sabagay, may punto rin naman sila. Ako naman ay rightist leaning pero may mga puntos silang sinangsang ayunan ko rin. Pero matanong ko lang sila, bakit ang Tsina, na isang komunistang bansa, masyadong nawiwili na ngayon sa mga negosyong kapitalismo?

  • Guest

  • http://pulse.yahoo.com/_WYX4ZTAV4BUGW2RIMT45CPYBGA Pio Gante

    ang ina mo rin!!!! ……..siguro ay nagngingitnit sa mga sinabi mo?

    suweldo na kasi, kaya kailangan may maisulat na magdudulot ng kasiyahan sa kanyang mga amo sa malakanyang, sabahin mo sa finance officer sa opis ni ricci na cash ang ihatag para untraceable nang di ka mabuwisan.

  • Anonymous

    engot ka pala eh, ay! inamin mo nga palang bopol ka. Eh kung si Gibo ang presidente, o  kaya’ya si Villar, eh di mas lalong hindi hinahabol ang mga tropang kawatan! Gets mo? ay! bopol ka nga pala sabi mo, he he he he!

  • http://pulse.yahoo.com/_7555GSIX7MD2DO5OLSY2V4RZRI MEL

    Lahat ng iyong mga suat ay aking binabasa dahil may katuturan Mr D Quiroz.Pati na ang aking boong pamilya ay aking inirerekomenda na basahin ang iyong mga sulat…Mr De quiroz,SALUDO PO AKO SA IYO..

  • http://pulse.yahoo.com/_7555GSIX7MD2DO5OLSY2V4RZRI MEL

    di ba si JOC JOC rotarian din….yehey!!!!!!! pWEEEEE!!!!!!!!

  • http://pulse.yahoo.com/_7555GSIX7MD2DO5OLSY2V4RZRI MEL

    Reynaldo Quihada…tagalugin mo nga.di kita maintindihan..o baka naman ipinagyayabang mo na marunong ka ng ingles

  • Guest

    May ilang nagkomento na wala raw dito ang kasamaan ng kapitalismo partikular na si TheGum. Ang totoo kulang tayo sa kapitalista at negosyante kaya mahina ang kumpetisyon. Tulad na lang ng karanasan natin sa SUN, SMART at GLOBE. Dati PLDT lang kaya mga milyonaryo lang nakakapagcalls. E ngayon dumami na sila., ultimo karpentero may unlicalls na. Ibahin mo “TheGUM” ang perspektibo mo. Trabaho ng gobyerno ang panatilihin ang maganda at patas na kumpetisyon at hindi kampihan ang iilang namamayagpag na mga kapitalista. Wala sa kapitalismo per se ang mali kundi pa nga ay sa istraktura ng merkado at mga polisiya ng gobyerno ukol dito. Kung walang kapitalista at gobyerno sasalo ng lahat palagay mo kaya mapapasweldo ka ng maayos ng gobyerno lalo pa at mga buwaya na nga naroon? Anu yon? Isang Dambuhalang kapitalistikong este Paluging pamahalaang kagaya ng North Korea? Manirahan ka dun para maexperience mo practicality ng ganung pamamaraan. Ang Sy-Mendiola Shoemart o mas kilala sa SM SHOEMART at dadagain at mangangatog ang tuhod sa oras na pumasok sa Pilipinas ang WALMART at COSTCO dahil sa pandaigdigan nilang kabihasnan sa imbentaryo at pamamahala ng kompanya. YUN ANG MALINAW na Proteksiyonismo! Kailangan mo muna alamin ang mga relasyon sa pandaigdigang perspektibo bago mo punahin ang lokal na kundisyon. Kapag tumaas ang demand kaalinsabay ng pag-unlad ng productivity sa pagpasok ng bago at banyagang metodolohiya sa paggawa ay tataas ang sweldo? Pati mga manggagawa ay lalakas ang kapangyarihan sa dami ng maaari nilang pasukang kumpanya. Hindi na sila makukulong sa iilang magpaghahanapbuhayan na sisikil sa sweldo nila. Kulang tayo sa kapitalista.

  • Anonymous

    masyado ka namang makapanlait ng kapwa mo, nowhere to be found, ayaw at isinusumpa ng Diyos ang ganyang ugali ( James  4:6/  Psalm  138: 6/  1 Peter  5: 5 ). Baka lamunin ka ng buhay ni Erap dahil he was the most outstanding Metro-Manila mayor noong siya ay mayor ng San Juan. Ikaw? baka nga konsehal lang ng baranggay di ka uubra eh, kaya hwag kang mataas magsalita.

  • Anonymous

    oo nga pre! sobrang yabang makapanlait ng kapwa, pero grammar naman niya mali-mali, it was written ” they can’t jailed GMA ” instead of ” they can’t jail GMA, “  He he he he! tagalugin mo na lang kasi nang di ka nabibistong bobo sa grammar.

  • http://pulse.yahoo.com/_7555GSIX7MD2DO5OLSY2V4RZRI MEL

    Ang masama pa nyan ay pagdating ng araw sa sunod na henrasyun ay ituring pang bayani ang mga taong binaggit mo.Aminin natin..dahil sa katangahan ng nating pilipino ay naghihirap ang ating bansa

  • Anonymous

    patok sa lahat, maliban sa display sa ccp. i still don’t think the message justified the medium. the message was political, wag isama spiritual. this is the essence of church and state separation…kuddos conrado!

  • http://pulse.yahoo.com/_3VJWENGQILU42XXAW4BNNQVJLQ Boying

    dumating na ang araw ninyo..nakapagngi-ngit-ngit..ngunit tama lang na na sa i sa boses mo ang aming nadarama at hinagpis sa mga walang-hiya at mga mandarambong na mga taong iyan! salamat ..conrad..ngunit paano na lang ba ang mangyayari? hanggang reklamo at expose’ na lang ba ang kaya nating gawin?ta-tawa-tawa lang ang mga pari,mga arroyo,mga congressman,mga heneral pati na ang mga ibang kapanalig ng mga arroyo sa senado sampu ng mga huwes sa pamama-raan ng ating pagtusig sa mga tampalasang iyan..wala ba talagang magawa ang pinaka-makapangyarihang opisyal natin na mapanagot ang ilan man lang sa mga kawatan na yan? puro kahol na lang ba at walang kagat ang ating liderato dyan? konting bangis at tapang lang sana para sa ating p-noy..ikaw na sana conrad ang magparamdam at mag sa boses sa aming mga hinaing ..palitan mo na rin siguro yong mga paos na ang boses sa palasyo,paos na puro halinghing pa..salamat.

  • Anonymous

    Yan! Yan ang malawak ang pagiisip. Yan ang sinasabi ni De Quiros na Hustisya at pagmulat ng mata. Porke’t kontra sa sinasabi, walang ibang maisip kundi “barilin mo na lang ang sarili mo” Yan ang gusto ni De Quiros. Ipagpalit ang tamang hustisya sa panunumbat, pag-alipusta at pag-hamak sa halip ng maayos at malumanay na pag diskurso. Hindi pagpapatunay yan ng pagkatapat ni De Quiros sa tama at tuwid. Pagpapatunay lang yan ng kanyang paggamit ng kanyang galing sa salita para sa marahas ng adhikain at pagudyok ng galit sa kapwa. Hindi Hustisya ang hinihingi nyan kundi pagkuyog ng mga kinokondena. Mas mabuti pa sila Ka Roger at Satur : namundok at nakibaka. Etong si De Quiros, hanggang tahol lang.

  • Anonymous

    Red tape?

  • http://pulse.yahoo.com/_QYWZXTX7QGCQ5IMYKBOM4URTLQ Arthur

    …..magaling…magaling….at tumpak

  • Paul Avena

    Sangayon po ako, mas maraming Bisaya.

    Ilocano po ako. Nung magpunta ako sa Mindanao at Visayas, tagalog po ang gamit kong salita, naiintindihan naman ako ng mga kausap ko.

    Kapag napasyal kayo sa Ilokos, at mapapadaan po kayo sa Pampanga, Tarlac at Pangasinan, sigurado po ako na magkakaintindihan po kayo ng mga taong madadaanan nyo kung kayo ay magsasalita ng tagalog.

    … pero nalalayo tayo sa usapan.  

  • http://pulse.yahoo.com/_MZOKC6X7Q52Z4E5VLYNB7GF72Y Kaloy

    Napkasarap basahin ang ating sariling wika. Pero kahit inglis magaling ka rin Conrad ang idolo naming manunulat, matapang at makatotohanan ang einasabi mo.

    Tumbok na tumbok mo ang katotohanan. Keep on!

  • http://twitter.com/JohnTWTarrobal John TWT

    Nabasa ko yung post ni TheGUM. Hindi kapitalista per se ang tumbok niya. Ang sabi niya, “mga kapitalistang sakim.” At sang-ayon ako dun.
    Marami rin ang biglaang humusga sa kanya na kesyo komunista na siya.
    Hindi ibig sabihing galit ka sa kapitalismo e komunista ka na. Unfair naman yata yun.
    Again, kapitalistang sakim…at marami sila!

  • Anonymous

    he he he.Ikaw, magkano kaya ang tinanggap mo galing sa financier ni Mike Arroyo o baka si Dato ka o isa sa mga anak ng mga magnanakaw sa bayan.Alam mo kasi ang kalakalan sa lagayan, cash para iwas pusoy.

  • Anonymous

    O, sino sino ba ang gumawa ng mga batas na yan at sino ang nagboto sa panahon ng halalan ng mga taong yan.Kasi nga, ang nakagisnan ng mga Pilipino ay katiwalian sa pamilya ,ama nagnanakaw sa sariling sahod, ang mga nasa pamahalaan at pinaka sa lahat ang nakagisnang katiwalian ng simbahang katoliko at hindi pa pagkawala ng ugaling MAKIPILI na nauso nuong panahon ng hapon.

  • Anonymous

    Napagaling Conrad! Sa tuwing ikaw ay nagungusap sa wikang atin, naisasatinig mo ng lubos ang kinikimkim na damdaming bayan, mga pagiisip na hindi maibulalas ng labi, mga hapding hindi maibigkas ng karaniwang bibig. Subalit harinawa, dumating na nga ang araw ng pagbabayad, ang panahon ng pagharap sa hustisya ng lipunan ng mga taong nagsalaula, nagpakasasa, nagdambong sa bayan. Harinawa, dumating na nga ang araw ng pagbabayad ng pamilya Arroyo, sila na sumikil sa karapatan ng marami, na nagturo na ang pagiging masama at hunghang ay marangal, at na ang pagiging matuwid ay kahangalan. Harinawa, makita at matanto nga ito ng simbahang katoliko, sila na ipinikit ang mga mata habang naghahari ang isang malinaw na kasalanan sa katauhan ng isang ilegal na rehimen ni Gloria Arroyo, sila na tinakpan ang mga teynga habang binabalintuna ang katwiran at katotohanan. Sila na nakisalo sa hapag-kainan ng mga nagnakaw ng kapangyarihan mula sa mga mamamayan. Harinawa. Ang bayang Filipino ay matiyagang maghihintay, at makikibahagi hanggang magbayad na nga ang may sala. Harinawa. Harinawa.

  • antonioluna

    ang problema dito sa pinas hindi balanse ang batas sa pagitan ng manggagawa at negosyante, karamihan sa mga negosyante ay hindi pinoy, karamihan sa mga korporasyon kung pinoy man ang pinanggalingan ay hawak na ng dayuhan dahil mas mataas ang share nila at dahil dito sila ang masusunod sa mga patakaran na ipatutupad at dahil hindi sila lahing pinoy hindi silang nagdadalawang isip na maging ganid, walang restriction ang kanilang pagiging ganid dahil sa mga umiiral na batas, sabagay kung kapwa nga natin pinoy basta’t sakim na negosyante ganoon din ang asal, pabor lagi sa kanila ang mga patakaran at batas dito sa pinas. walang purchasing power ang 80 bahagdan ng ating populasyon kaya bagsak ang ating ekonomiya.
    kung ating susuriin ang kasaysayan, ang pinas ay umunlad sa pamumuno ni pres. carlos p. garcia, sa katunayan pumangalawa tayo sa japan sa buong asia dahil ang mga batas at mga patakaran na ipinatupad noon ng ating mahal na pangulo ay umaayon at nagbibigay ng proteksyon sa ekonomiya ng pinas, sa negosyong pinoy at habang umuunlad ang pinas sa panahong iyon ipinangangalandakan naman ng mga kano na kumonista si carlos p. garcia dahil apektado noon ang mga negosyong kano dito sa pinas, hindi na sya nanalo noong sumunod ng halalan, tinalo siya ni diosdado macapagal at ang filipino first policy na ipinatutupad noon ni carlos p. garcia at itinigil at lahat ng patakaran at batas na umaayon at nagpoprotekta sa ekonomiya at negosyong pinoy ay inalis ni macapagal, isipin na lang natin nasaan na kaya ang pilipinas kung tuloy tuloy ang mga batas at patakaran na ipinatupad ni carlos p. garcia?

  • http://pulse.yahoo.com/_ZBN7BOTJOM2RY4YWNBHAEUM4CQ Oasis

    syempre kapatid nya appointee ni abnoy… kelangan attack! baka ma-alvarez kapatid nya sa SSS! pare-pareho lang mga yan… sya naman ngaun nakikinabang sa abnoy admin….

  • Anonymous

    Sagad hanggang tainga ang ngiti ni Dr. JP Rizal sa iyo at mga Pilipinong sumali sa talakayan. MABUHAY

  • http://www.facebook.com/iamonax Monina Iris Evangelista Gonzag

    nakakabinging mabasa ang katotohanan.

  • Anonymous

    Ahay ah, medyo kabudlay mag basa sang tagalog. Kun tani bilog nga Pilipinas tagalog gina hambal. Pero sige lng ah. Budlay, indi buot silingon indi kabalo. 

  • Anonymous

    Noong nasa Argentina ako ay mayroong package tour tungkol sa mga Peron at mga abuse of power nila.

    Nabanggit ko sa isang Argentinian na kaibigan na sa Pilipinas, ang mga Marcos ay balik puwesto na naman sa gobyerno.  Ang sabi niya, “Filipinos are stupid!”

  • Sergio Balatbat

    Manong Conrado, ikaw? Kailan ang araw mo? Hehehe.

  • Anonymous

    magkaroon sana na dagdag na kwalipikasyon para sa sinumang kakandidato sa gobyerno. iyan ay ang kasanayang magsalita sa wikang pilipino.  nakakahiya naman kung matulad kay cong. apostol na d marunong magpilipino pero umingles at magcebuano magaling.  kolonyal at parokyal pa.

  • Glenn Rey Agad

    Isang pagpupugay sa inyo sir Conrad! Naway dadami pa ang singtapang at singtalim mong sumulat. Ikaw ang kailangan bayang laging uhaw sa katotohanan at katarungan.

  • Anonymous

    sana nga…

    hustisya para sa lahat at hindi para sa iilan.

    hustisya ayon sa batas at hindi beggansa.

    kung ayon sa dalawa, dumating na nga ang araw nyo…ngunit kung ayon sa nilalalaman ng panulat ng may-akda…huwag na tayong umasa.

  • shane oy

    Iba talaga ang dating ng sariling wika. 

  • Anonymous

    humalo na naman ang dunong-dunongan na ito…matanggal sana ngipin mo, ulul! LOL!

  • Guest

    Maaring mas maunlad na Pilipinas ngayon kung ipinagpatuloy ang “Filipino First Policy” subalit yoon ay lumipas na. Iba na ang kalakaran ng merkado, pulitika, globalisasyon at lalo na ang teknolohiya kaysa sa nakalipas na 50 taon. Sa puntong ito, lalo na lamang tayo mapagiiwan kung hindi tayo hahanap ng angkop na pamamaraan sa kasalukuyang sitwasyon. Sa mobilidad at antas ng transportaryon at komunikasyon ay lalo pang darami ang Pilipinong may kapasidad umalis ng bansa ang mawawala dito. Ang mga OFW ay ebidensya ng malaking pagitan ng uri ng buhay sa ibang bansa at ang hindi magkasyang kita sa Pilipinas idagdag pa ang malawakang kawalan ng hanapbuhay. Noong 1950′s ay relatibong maunlad ang Pilipinas kaya nananatili ang mga Pilipino sa bansa subalit sa paglago ng mga karatig bansa at sa pautoly na mabagal na pag-unlad ng Pilipinas ay hindi na kasing-angkop ang proteksyonismo noon kung ihahambing sa panahon ngayon. Sana noon pa ay nagkaroon na ng matibay na pundasyon ang mga negosyanteng Pilipino. Kung magkakaroon lamang ng malinaw na programa ang gobyerno tungkol sa “Filipino First Policy” bakit hindi ako sasang-ayon. Nais kong masusing talastasin ang “Filipino First Policy” sa panahon ngayon subalit nahihirapan arukin ang kahihinatnan. May ilan tayong mauunlad na negosyo sa Pilipinas tulad ng San Miguel at SM Shoemart at marami pang ibang may potensyal. Ang payo ko sa kanila ay wag na magpatumpik tumpik pa at magpakasasa sa proteksyon dulot ng kasalukuyang kontitusyon. Maging patas at ihanay ang istratehiya sa pandaigdigang kalakaran dahil tulad ng mga kurakot, tulad ng mga manlilinlang, hindi na maglalaon at darating na rin ang araw ninyo.

  • Anonymous

    Walang hiya, okinnana!!!!…yan ang tipo kong panunulat…diretsahan, maanghang, tagos sa kalamnan…nagngingit sa galit dyan ang mga taong tinamaan pero walang karapatang magalit dahil sa kanilang kasalanan… tangna ng mga yan…Kung ang Panaginoong Jesus ay nagalit sa di tama kaya pinagpapalo at tinaboy ang mga bumaboy sa templo ng AMA…sana sipain din kayo ng mahabang paa ng katarungan, at kalawitin kayo ng karit ni kamatayan para wala na kaming pagkagastusan sa paghahabol sa inyong mga kawatan.

  • http://pulse.yahoo.com/_FILKONVCD7H623RIECR4246VEI Athena Legis

    Tumpak ang iyong sinulat Ka Conrad! Yan mismo ang laman ng aming puso at diwa! Dapat lang mahiya naman sila sa mga marunong magisip. Hindi lahat ng Pinoy ay tanga, mababaw at maawain. Mas kahabagan nating ang bansang ito na matagal ng naluray ng mga moralistang makasalanan, pulitikong tiwali at MGA MAMAMAYANG MAPAGPATAWAD SA MGA TIWALI. Tama! Dumating na ang araw ninyo! Mabuhay ka Ka Conrad!

  • http://twitter.com/ptz821 phetz

    Sapol!
     
    Puede magBikol ka ngunyang Setyembre para samung mga Bikolano?
    Bakong Bikalano ka man hadi?
    Magayon kang talagang managalog maski Iringlisan, maurag na maray…
    Para sa gabos na Pilipino asin mga Bikolano, saru kang aki ni InangBayan.
    Bikolano Uragon, Pilipino magaling!

  • http://pulse.yahoo.com/_EYY22AODACAPCZP74MUU63BJRY archimedes

     Be not deceived; God is not mocked: for whatsoever a man soweth, that shall he also reap.               —Galatians 6:7

    Don’t be misled–you cannot mock the justice of God. You will always harvest what you plant.

  • Anonymous

    Sa takbo ng hustisya sa atin (ang mga Marcos nga ay nakakaupo pa sa gobyerno), sasablay ang mga tinuran ni Conrad. Hanggat ang ating korte ay walang ibang alam kundi ang ipatupad ang mga pabor na ‘teknikalidad’ sa mga may pera, walang makukulong sa mga Arroyo at kakutsaba. Hanggang ngitngit lang tayong mga miron—dakila naman.

  • http://pulse.yahoo.com/_WYX4ZTAV4BUGW2RIMT45CPYBGA Pio Gante

    thank you lang ito, wala nang pambayad ang idol mo naubos na kasi sa medical at legal expenses.eh ikaw kamusta na ang macbook at at bb mo? nag-follow nga pala ako sa accounting di pa daw tapos voucher mo, kasama daw ni abnoy sa china ang pipirma kaya tiis ka muna made-delay ang sweldo mo.

  • http://www.facebook.com/angelito.belizario Angelito V. Belizario

    TAMA! Sagad na ang pagdurusa ng Inang Bayan. Nakakainip na nga eh. Dapat marami nang mga hinayupak na mga ito ang nasa loob ng kulungan. Kung may lugar pa. Punong-puno na yata ang mga selda. Tapos yung mga kinurakot nila eh sa “magagaling” na abugago lang napupunta tulad ni – alam nyo na kung sino.

  • Anonymous

    Napikon ka talaga ano?  Mukhang hinanap mo pa yung mga ibang comments ko. I’m very much flattered by your admiration of what I have to say. Thank you so much. Moron na pikon ka pa. ha ha ha!

  • Anonymous

    you’re bloody wrong, dude! kaya nga pinalitan ang Ombudsman eh, dahil walang hustisya kontra sa mga nagnakaw. Wait and see ka na lang before it’s showtime. Sa ngayon ay hinay-hinay muna ang Ombudsman para di madiskaril ang mga demanda kay Mr. and Mrs. Pidal dahil sa teknikaliodad. Alam naman natin na puro de kalibreng mga abogago, eheste . . . abogado ang nasa kanilang panig. Kailangang pulido ang mga detalye para di makalusot ang mag asawang kawatan. Dapat di ka bara-bara Bay! Entiendes?

  • Anonymous

    oo nga, kaya tuloy gusto kong magtititili ng walang sound !!!!!

  • Anonymous

    oo nga pare! talagang panahon na para magbuklod ang sambayanan para ipadama ang karumal-dumal na kinahinatnan sa naging panunungkulan ng ilehitimong presidente, na hindi tayo dapat maghunos-dili at datapuwa’t ipadama ang himagsik ng naglalagablab na katarungan laban sa kanya, Patnubayan nawa tayo sa ating karapatang pagpanagutin ang nagpariwara sa dangal ng ating inang bayan. ( he he he he he, akala niyo kayo lang ang marunong ng malalalim na pananagalog ha? )

  • antonioluna

    sang ayon ako bro sa mga sinabi mo maliban sa globalization at protectionism dahil wala namang third world countries na umunlad dahil sa pakikilahok sa globalization, nagiging tambakan lamang ang mga third countries ng mga produktong gawa ng mga first world countries. kung mapapansin mo ang mga first world countries ang may kon todong protection sa kanilang mga gawang produkto, isang katunayan nyan kapag  nangungutang mga nga third world countries sa IMF/Worldbank, mayroon silang tinatawag na LOI o letter of intent kung saan nakalagay na hindi maaring gumawa ng mga produktong ginagawa na ng mga first world countries, dito sa atin ang isang patunay nyan ay ang hindi pagsupurta ng ating pamahalaan sa mga taga Danao, marurunong silang gumawa ng baril pero sa halip na supurtahan ng pamahalaan upang gumanda ang kanilang produkto ito ay ipinagbabawal pa, kabaliktaran sa ibang mayayamang bansa na kapag nabalitang marunong kang gumawa ng isang bagay ay ipatatawag ka hindi upang hulihin bagkos ay tulungan at bigyan ng puhunan para mapagunlad mo pa ang produktong ginagawa mo.

  • http://pulse.yahoo.com/_YGKCH5HJEUTDMARHDRNQBJT72Y Toto

    Dapat sampolan na agad ng estado. Wag lang ikulong. SAMPOLAN NYO NA!

    Si Mike at Gloria Arroyo kasama ng lahat ng mga kamag-anak at lahat ng mga nagpakasasa at nakinabang, pakainin ng pera — yung barya.

    Tapos ihanay lahat at barilin. Itapon ang mga labi sa gitna ng Manila Bay para huwag na pamarisan.

    Tignan ko lang kung may maglakas-loob pa magnakaw sa kaban ng bayan.

    T a n g i n a n y o   L a h a t, mga magnanakaw sa pera namin!

  • Anonymous

    Pefect. Thumbs up.

  • Anonymous

    Bakit yung mga nagnakaw ng maliit na halaga, andaling maipakulong?
    Interbyuhin pa lang ng reporter inaamin na kaagad ang krimen.

    Bakit ’yang mga arrovo and’yan pa rin at nagpapasasa sa pera ng mga Pinoy.
    Hindi ba sila nahihiya na pumasok lang sila sa pulitika ay sobrang yaman na nila ka’gad?
    Hindi ba sila nasusuka na ang ipinapakain nila samga anak nila at apo ay galing sa nakaw?
    Bakit ‘yung mga namumulot ng basura, ikinahihiya ang trabaho nila  e marangal naman ‘yon?

    Ba’t ganun?

  • Guest

    Tumass man ang presyon nila, mas mataas namang di hamak and nakurakot nila. May tubo pa!

  • http://pulse.yahoo.com/_FDOJD4TWBTSTYC4W6MBS66L23U rana

    si Aroyo na dapat nakakulong na ngayo’y nakalaya dhiL may sakit at kelangan operahan? e bkit yung namatay na may cancer huli na para palayain khit sapat na ang parusa na hanngang sa huling hininga’y nasa kulungan prin..? At pano nmn yung mga may sakit nA wla ng lunas”may pag-asa pa kya na masilayan nila ang ganda ng ating lugar khit isang linggo lang,?–

  • Anonymous

    SALUDO AKO SA’YO, CONRADO!!!… LAHAT NG TINUKOY MO, DINANAS TALAGA NG MATITINONG PILIPINO…AT KUNG MAY KALULUWA MAN SILA, SANA SINISILABAN NA……SABI NGA NG KANTA NI FRED PANOPIO….O LINTIK LANG, ANG WALANG GANTI!!!….KAYA KAYONG MGA GANID AT MANHID, SA IWAHIG KAYO IPIPIIT….

  • Victor Romero

    1. Ibá (magkatulad, pero ibá) ang Filipino sa Tagalog: 

    a) Ang syntax ng Filipino ay ang syntax ng Tagalog. 
    b) Ang bokabularyo ng Filipino ay dî lang galing sa Tagalog, 
    kundî sa mga pangunahing wikà ng Pilipinas: Binisayâ, Ilocano, Bicol 
    Naga, Hiligaynón, Samarnon, Capampangan, Pangasinán, atbp.

    2. Kung paanong lalong lilinangin ang wikang Filipino ayon sa katuturan 
    sa 1. sa itaás, ganoón lalong tatanggapín bilang wikang pambansâ. 

    Talà : Hindî na tinatawag na Cebuano kundî Binisayâ ang wikang 
    ginagamit sa Cebú, Bukidnón, Agusan, Surigáo, Silangang Negros, 
    Siquijór, Bohól, Timog Leyte, sa dalawang Misamis, sa apat na Davao, 
    Hilagang Zamboanga, atbp.

    ===

    Tatló ang proseso ng paglilináng ng bokabularyo ng Filipino, ng pag-
    aampón ng mga bagong salitâ: 

    a) kaniyá-kaniyáng pagdagdág ng mga salitâ ng taumbayan
    b) pagdagdág ng mga salitâ ng medya
    c) pagdagdág ng mga salitâ ng Surián ng Wikang Filipino

    1. May taunang kumperensya sa UP Diliman na tinatawag na AMBAGAN. 
    Mga kinatawán ng ibá’t-ibáng wikà ay mag-aambág ng mga salitâ sa 
    Filipino. 

    Tamà at magalíng itó, pero hindî sapát. Paano uunlád ang wikà, kung 
    minsan lang sa isáng taón papayamanin ng mga “bagong” salitâ?

    2. Ang bokabularyo ng Filipino ay uunlád sa patuloy (sa loób ng taón, dî 
    lang minsan) na pagpapakilala sa taumbayan ng mga salitáng inampón 
    (hindî hirám; kailanmá’y dî na isasaulî!) sa ibá’t-ibáng wikà ng Pilipinas.

    3. Kailangang may mangasiwà sa diksyonaryo ng wikang Filipino. Katulad 
    sa Inglés, bago tanggapín ang isáng salitâ sa diksyonaryo, dapat na 
    malinaw: 

    a) ang tamang ortografi, 
    b) ang tamang katuturán at 
    c) tamang gamit. 

    Kung walang tutupád ng pangangasiwang itó, ang wikang Filipino ay 
    parang wikà lang sa lansangan—waláng magandáng anyó at hindî 
    malinaw ang paggamit, hindî mahusay na kasangkapan sa 
    pakikipagtalastasan. Ganitó na ngâ ang nangyayarì sa kasalukuyan. 
    Kailangang baguhin!

  • Anonymous

    Sa susunod gusto kong mabasa  ang nangyari sa CCP. Sa komentaryo mo, naiintihan mo ang arte ni M. Cruz. Mukhang di pa natutuldukan ito. Nakagapos pa rin ba mga kamay ng namamahala ng CCP, na balaan sila at bigyan ng limitasyon sa mga sining na itangtanghal dito? Kumusta na  ang inihaing reklamo nina Atty Dayrit at Imbong sa ating korte? Naliwanagan ba ang mga katoliko at  alagad ng simbahan sa “Freedom of expression”? May pressure o banta  ba sa buhay ni Mideo Cruz? Ano na ang nangyari sa kanya? Dapat may matutuhan (learned) tayong mga Pilipino dito,isang bahagi ng ating kasaysayang sa taong 2011, ika -150 kaarawn ni Dr Jose Rizal. Labanan ng isipan, tamang pananampalataya at makabuluhang pamamahayag, mayroon ba tayo nito at sino ang sumisikil sa atin?

  • http://pulse.yahoo.com/_5EVWODFL3GNOGPAXC2MZSPWTQE win

    hahaha i really like it!!!!

  • http://pulse.yahoo.com/_7555GSIX7MD2DO5OLSY2V4RZRI MEL

    TAKNAYDOYO MGA ARROYO KAYO.ALA KO MARINE!!!!!!!MAKAPAL KO LUPA!!!!!
    WALA KAYONG HIYA!!!!

  • Anonymous

    tatlong taon na ang nakaraan, ang beyanan kung babae naoperahan ng kanser sa tiyan, humingi kami ng tulong sa pcso napaunlakan naman. pagadating sa st. luke’s hospital na-reject ang tulong ng pcso ang dahilan maraming utang. ngayon ko nalaman napupunta lamang sa mga pajero bishops. kayhirap ng mahirap!!!

  • http://www.facebook.com/people/Cora-Galang-Ramos/1241210669 Cora Galang-Ramos

    Kaisama mo ako sa paghahanap ng katarungan para sa sambayanan G. de Quiros. Huwag mo sanang tantanan ang mga magnanakaw na walang sawang nagpapasasa sa kanilang kasakiman. Mabuhay ka!

  • Anonymous

    AyyyyTsongo! ikaw ang malayong bumanat! Di ka nga makakapunta doon dahil ignorante ka di marunong mag ingles at wala ka nang ibang pupuntahan dahil ang laguage mo limited sa sarili ,mong wika dito ka na lang mag tanim ng kangkong baka makatulong ka pa sa economia natin…HA! HA! HA!

  • http://pulse.yahoo.com/_HOVWBIOV7HNUZMTMUE7PVLZNEQ Juan Tamad

    Thankful pa rin ako na nandaya si Gloria. Di ko ma-imagine kung si FPJ ang naging presidente.

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    wow!!!!!minsan pa saludo ako sa mga sinabi mo Mr. De Quiros. Saktong sakto ang mga sinabi mo. Mabuhay ka kapatid. Ang galing mo.!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    hindi nga nahihiya e. sinabi mo na.

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    the Plunderers’ Family that steal together, stays together, to continue plundering.

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    Pagpasensiyahan mo na si MR. WETNESS. Matanda na yan at di na rin magtatagal.

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    bakit mo ibinabalik ang tanong kay sir conrado? May kinurakot ba siya? may kinulimbat ba siya tulad nina pandak? May plinander ba siya?

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    ang galing

  • http://www.facebook.com/people/Badajosnon-Macabaian/100002348566742 Badajosnon Macabaian

    si MR. WETNESS?

  • Anonymous

    Tindi mo tsong! Sama ako sayo! sakbit ko itak ko sa kanan,hawak ko bandila natin sa kaliwa,magsama tayong tumaga pag di omobra ang batas sa kanila!

  • Anonymous

    Tama lang na Juan Tamad ang napili mong pangalan. Kung ang pag-iisip ng mga mamamayang Pilipino ay katulad ng iyo, talagang wala na ngang pag-asa ang Pilipinas. Kung sakali man na nanalo si FPJ, ibig sabihin, ibinoto sya ng Bayan. Di ka lang tamad, bobo ka pa. Ikina-hihiya ka ng Bayan.

    Job well done again, Mr. De Quiros. Kudos to you.

  • http://pulse.yahoo.com/_SSHCPNPNM5B55JIMUBJOI2FLE4 buragto

    wag naman sana ganyan, malayang pamamahayag dito eh gusto ni Juan tamad si Gloria igalang mo Sinned james. ang pangit kasi kapag may gusto tayong iparating tapos hindi nila gusto sasabihin natin na inaalis ang freedom natin na makapagpahayag, pero kapag iba naman ay ayaw naman natin pakinggan. Double standard ika nga. maging patas naman tayo at huwag tayong magagalit sa tao porke iba pananaw nila. tsk tsk tsk..

  • Anonymous

    okay mabuting masama ang kahusayan natin sa ingles rank 34 tayo pero sa maraming subject tulad ng technology,law medicine,politics chemisttryat iba pa d tayo pumasok sa top 200 university ayon sa qs.

  • Anonymous

    Papaano ko igagalang ang baluktot na pananaw. Ang sabi niya thankful siya at nandaya si Gloria. Ito mismo ang problema sa Pilipinas. Kahit magnanakaw at mandaraya ibinoboto natin. By the way, ayoko rin naman si FPJ. Kaya lang kung ibinoto siya ng tao, igagalang ko iyon. Pareho kayo ng pag-iisip ni Juan Tamad. Iyan ang malaking problema ng lipunan, mga taong baluktot ang pananaw, mga kakampi ng mga tulisang politiko tulad ng mga Arroyo.

  • Anonymous

    okay

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=1821935123 Aj Hebron

    Pasalamat tayo sa Bagong Presidente ng Pilipinas. Kahit papano , tunay nga na may Pag-asa pa ang ating bayan laban sa mga walang pusong bwisit na yan. Dapat lang sana ay suportahan ntin ang ating pangulo hindi isa-isahin ang mga bagay na hindi nya na gagawa. Tao lamang din sya na hindi kayang sabay sabayin na baguhin ang PIlipinas isang taon pa lamang sya sa termino , husgahan ntin sya pag natapos na ang kanyang termino at wala paring pagbabago ang ating bansa. 

  • Anonymous

    Walang class.  halatang bading na bastos ang sumulat nito.  take note ha:  bading na bastos.  kasi meron namang bading na may class at breeding.

  • Anonymous

    Walang class.  Halatang baklang bastos.  Take note:  baklang bastos.  Kasi meron namang baklang may breeding at class.



Copyright 2011 . All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed. To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.
Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate:
c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94
Advertisement

News

  • At least 33 killed in Iraq attacks
  • Arroyo hopes gov’t will uphold rule of law, laments campaign vs Arroyos
  • An eyewitness or Justice Sereno testifying could save prosecution, says Santiago
  • Senate junks De Lima’s testimony as hearsay
  • Honasan to prosecution: Tell court your plans to avoid ‘unpleasant surprises’
  • Sports

  • Westbrook, Durant power Thunder past Celtics
  • Jeremy Lin to miss dunk moment but will fill bookshelves
  • Pacquiao ‘embarrassed’ by Mayweather offer
  • Manny Pacquiao swept up in Linsanity
  • Don’t wait for P-Noy to save boxing
  • Lifestyle

  • PF Chang’s first Asian branch opens–to long wait lists
  • ‘Tikuron or tikoy turon’
  • Oriental Citrus Salad, Herb Pan-fried Fish–Mama Maimee, it’s good ol’ comfort food!
  • Burrata Cheese Ravioli, Burger with Foie Gras, ‘snowball tiramisu’–chow time in Hong Kong
  • ‘Udang Goreng Chilli Garam’ (Chili Prawns)–a Peranakan favorite
  • Entertainment

  • Sepia-tinted statuettes? Oscar films look to past
  • ‘Bourne’ star leaves ‘legacy’ in Palace visit
  • Through the years …
  • As Pinoy as the jeepney
  • Modern-day superhero
  • Business

  • Oil prices lower on weak Europe, China data
  • No change in PSE index
  • Again, oil firms up prices
  • PPP schools project attracts 15 firms
  • Surging crude oil prices worry BSP
  • Technology

  • US attorneys general pressure Google on privacy
  • Company sues Apple over iPad name in Shanghai
  • Megaupload founder Kim Dotcom released on bail
  • New York taxis could get iPads—report
  • Google under fire for sidestepping track-blocking software
  • Opinion

  • Editorial cartoon, February 23, 2012
  • Wisdom, not legality
  • People power
  • The algorithm of kindness
  • ‘Medicare portability’ for Fil-Ams
  • Global Nation

  • 12 OFWs return from strife-torn Syria; 973 so far repatriated
  • Philippine Immigration issues reminder on annual reporting of aliens
  • Okay to buy warships but don’t bring US into Spratly dispute
  • Ibuna lawyer: Aleli not Ignacio Arroyo’s legal wife due to technicality
  • Government lifts ‘au pair’ ban to Europe
  • Marketplace
    Advertisement
    © Copyright 1997-2011 INQUIRER.net | All Rights Reserved