The Passover of a woman wronged
This Holy Week, as most of Christendom recalls and commemorates the Passover of God’s chosen people from slavery to freedom, and Jesus’ passion, death, and resurrection, we share with you verses by Sen. Leila de Lima who has been detained in Camp Crame for four years and eight days today.
During the International Women’s Month of March, actress Bibeth Orteza brought the verses to life on social media to celebrate women’s courage in struggle. Here is De Lima’s “Pinay, Malaya at Nagpapasya” (translated: Pinay, free and decisive), written for a recent women’s cultural event in Chicago. Freely translate it in your heart.
Nakapiit ako ngayon/Dahil hinubdan ko ng maskara ang berdugo;/Hindi niya malimutan kung paanong hanapan ko siya ng pananagutan/Sa talamak na EJK at karahasan
Article continues after this advertisementSa sarili niyang nasasakupan./Allergic ang mamamatay-tao sa rule of law/Para siyang bulateng naasinan nang usisain ko
Kung pinaiiral ba niya ang karapatang pantao. Ang iginanti sa akin ay propaganda/Hindi para salagin ang isiniwalat ko/Kundi para atakihin ang pagkababae ko./Parang choir ng mga misogynist silang umawit nang sintonado:/Ikulong si Leila, isakdal sa imbentong kaso,/Samahan pa ng maaanghang na “Imoral ang babaeng ’yan”/Para mawasak na sa mata ng publiko.
Nagbunyi silang mga butangero;/Nagpakawala pa ng sanlaksang bayaran sa TV at radio/
Article continues after this advertisementAt sa social media at pahayagan para ako’y hiyain, kutyain,/Mawalan ng boses, alisan ng espasyo;/Nang sa gano’n mag-eclipse, kaput!/Tagumpay ang maton politics at machismo:/Kaya manahimik kayong mga babae at lumugar/Kung mapag-initan ni Rodrigong berdugo.Sa isang iglap ang buhay ko ay nagulo,/Sumikip ang espasyo
Hinaplit ng asunto;/Tinangay ng magulong proseso./Pero hindi ako nanahimik;/Pinili kong umalma dahil ’yon ang nararapat;
At kasama sa naging pasya ko/Ang buo kong pagkatao.
Akala yata nila nakatayo ako sa moog ng posporo/Na silaban lang nila ng akusasyon agad na mapupuklo;/O tatakas upang magpakanlong sa ibang bayan;/O magmakaawa kay Poong Tokhang.
Akala nila kandila akong mawawalan ng silbi/Mamamatayan ng liwanag sa lumalatag na gabi;/Magkikibit-balikat at magbubulag-
bulagan/Na diumano nanlaban ang mga walang-awang pinaslang./Akala nila titigil ako sa kabila ng walang-pakundangang pagbastos/Sa akin, at sa kapwa ko babae;
Na ang kahinaan ko ay ang aking pagkababae,/O sadyang mahina ako, dahil babae.
Tumiklop ako ang gusto nilang mangyari,/Hindi noon, hindi ngayon;/At mas lalong hindi sa harap ng berdugo/Na pumapaslang ng inosente at abang Pilipino./Kahit man ako ay nakapiit,/Ang boses ko hindi mapapaknit;/Hindi tatahimik kahit busalan ng kasinungalingan/Sa karapatan at katarungan titindig sa laban.
Usigin man nila ako at dungisan/Hindi mayayanig ang pundasyon ng katotohanan;/Ang mga abusado sa palasyo, Pupulutin din sa kangkungan./Hindi ko isusuko ang aking espasyo/Na inabante at pinalawak ng mga nauna sa akin
Mga babae, mga bayani/Nagtanggol sa karapatan ng taong mabuhay nang pantay-pantay at malaya.
Hindi mamumulikat dito sa Crame ang kamay ko sa pagsusulat/Dahil parati ko itong inuunat-unat/Para sa karapatang pantao at katarungan,/At ngayon para sa kababaihan!
Hindi kailanman magiging mahina/Ang babaeng may ipinaglalaban/Lalo kung para sa kanyang sariling paglaya/ At sa hustisya ng mga kapwa niyang inaapi sa lipunan.
Kaya mga kapwa ko Pinay,/Hindi tayo babalik sa hawla ng kumbensyon at takot:/Ang babaeng Filipina ang tinig ngayon ng pakikibaka/Dito sa atin, dadaluyong ang kababaihan sa barikada./Saan man tayo naroon/Huwag nating payagan/Na ang ating pag-iral ay maging anino lamang/Sa mga sulok ng lipunan. Kung danasin mo rin ang dinaranas ko/Huwag kang magsara ng mundo/Harapin mo ang hamon dahil makikita mo/Marami ang sasaklolo sa iyo./Hindi kulang ang babae sa kakayahan/Buo siya parati kung nakakapagpasya sa sarili/Kung hindi siya nadidiktahan/Sa kanyang katawan, karanasan at ipinaglalaban.
Walang kasarian ang katwiran at katarungan/Para iyan sa lahat;/Kaya magpasya tayo upang hindi kumbensyon ang magpasya para sa atin/Lalo na silang mga namumuno na walang respeto sa kababaihan.
Walang pag-ibig na ipinunla sa katarungang adhika/Ang hindi namulaklak sa lakad ng panahon;/Hindi ako sadyang matapang kaya sumusulong,/Marami lamang akong ipinunla na ayaw kong masayang sa harap ng hamon.
Iyan ang pakikibakang Filipina:/Lumalaban dahil umiibig,/Nakikisangkot dahil nagmamahal,/Nagpapasya at malaya!
This Holy Week triduum, let us plunge ourselves in the quiet darkness and hold in prayer our suffering people. Like Mary, standing at the foot of the cross, stabat mater dolorosa…
Send feedback to [email protected]