Quantcast
Article Index |Advertise | Mobile | RSS | Wireless | Newsletter | Archive | Corrections | Syndication | Contact us | About Us| Services
 
  Breaking News :    
Advertisement
Robinsons Land Corp.
Radio on Inquirer.net

INQUIRER ALERT
Get the free INQUIRER newsletter
Enter your email address:




 
Inquirer Opinion/ Columns Type Size: (+) (-)
You are here: Home > Opinion > Inquirer Opinion > Columns

  ARTICLE SERVICES      
     Reprint this article     Print this article  
    Send Feedback  
    Post a comment   Share  

  RELATED STORIES  





 OTHER COLUMNS


imns


Theres The Rub
‘May araw din tayo’

By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:10:00 09/15/2009

Filed Under: Inquirer Politics, Benigno Aquino III, Eleksyon 2010

Sabi mo, Gary Olivar, magpakalalaki si Noynoy, huwag na nyang punahin ang boss mo. Sabi mo rin, politically mature na tayo, di na dapat ginagamit sa pulitika ang mga salitang ?Good vs. Evil? or ?Kabutihan laban sa Kasamaan.?

Payong kapatid, p?re, easy ka lang sa salitang ?mature.? Di ka gaanong kapanipaniwala pag nagpapasya ka kung ano ang mature at ano ang hindi. Hindi na ko magpapayo na easy ka rin lang sa paghamon sa ibang tao na magpakalalaki, bahala ka lang magnilay-nilay tungkol dyan sa harap ng salamin.

Meron pa bang mas immature kesa sa sagot mo kay Noynoy? Obvious naman na ang pinanggalingan nyan ay ang kulturang macho na nagsasabing ?wag kang papatol, o makikipagaway, sa babae kung tunay kang lalaki. Kung ganun lang ang deskarte n?yo, uminom na lang kayo ng gin hanggang sa machoka. ?Yang machong kulturang ?yan ay matagal nang ibinasura ng taongbayan sa tulong ng women?s groups dahil sa mababang pagtingin sa kababaihan. Kunyari nagtatanggol sa mga babae, sa totoo ay sinisiraan ang mga babae.

Kayo lang naman ang nakakakita ng babae o lalaki sa usaping ito. Lahat naman ng Noypi ay nakikita lang ang tama o mali sa usaping ito. Pero pinag-uusapan din lang natin ang babae at lalaki, masisisi mo ba si Noynoy kung sabihin nyang nakalimutan yata ng dating titser nya ang mga itinuro sa kanya? Dahil meron din syang naging titser na babae, di hamak na mas magaling, at ni minsan ay hindi nakalimutan ang mga itinuro. ?Yan ay si Cory.

At pinaguusapan din lang natin ang lalaki at babae, sino naman ang me sabi sa yo na ang boss mo ay babae? Dahil galit na galit na sinasabi sa ?kin ng mga kaibigan kong babae, ?Hindi namin kaano-ano ?yan.?

Tingnan natin kung di sapul ng ?Good vs. Evil? ang labanang ito:

Huwag na tayong magpa-cute pa at diretsuhin na lang: Ang boss mo ay sinungaling. Sino ba ang mahilig magpanggap na madasalin, laging nagpaparetrato habang nakaluhod at mataimtim na nananalangin kay?bahala ka nang magsabi kung Kanino. Sino nga ba ang mas sincere sa kanilang dalawa ng aso na ganyan din ang posing? Sino ba ang lumamon ng kung anu-ano sa New York at nagsabing: (1) Di nangyari yon, (2) Nangyari yon pero di ganun ang bill, (3) Ganun ang bill pero si Martin Romualdez naman ang nagbayad, (4) Ayos lang yon dahil marami namang nagpakasasa?

Sino ba ang nagsabing hindi sya tatakbo sa 2004?

Sa kabilang banda, eto si Noynoy na pinalaking maayos ng mga magulang. Nagsabing magdadasal, tapos magdedesisyon. Nagdasal, tapos nagdesisyon. Kung ano?ng sinabi, yon ang ginawa. Paminsan-minsan siguro nangangako sa GF na darating nang maaga pero nale-late. Pero pwede na nating palampasin yon.

Ano?ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Makatotoo laban sa Peke? Di ba Good vs. Evil?

Ang boss mo ay mandaraya. Sino ba ang paulit-ulit na tumawag kay Garci noong bilangan para makalamang ng 1 million boto kay FPJ, at nakalamang nga ng 1 milyon boto kay FPJ? Sino ba ang gumawa ng batas na nagsasabing walang maaaring magsabi na nandaya sya nang wala niyang pahintulot? Sino ba ang nagtago sa ?executive privilege? para hindi managot sa bayan kung sya nga ang mastermind ng NBN?

Sino ba ang me mga anak na di makapagpaliwanag ng mga ari-arian sa San Francisco?

Sa kabilang banda, eto si Noynoy na walang record na nandaya sa Kongreso at Senado. Na may nanay na paulit-ulit na pinangaralan silang magkakapatid sa pagiging matapat. Na nagbigay ng halimbawa sa pag-ingat sa mga kagamitan sa Malakanyang dahil ??yan ay pag-aari ng taongbayan.? Paminsan-minsan siguro, nandadaya rin si Noynoy sa dieta at nage-extra rice. Pero pwede na rin nating palampasin yon.

Ano?ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Katinuan laban sa Kabuktutan? Di ba Good vs. Evil?

Ang boss mo ay mandarambong. Sino ba ang naturingan ng World Bank na pinaka corrupt na leader sa buong Asya? Sino ba ang nangutang ng higit pa kay Fidel Ramos at Erap combined, pero walang mapakain sa taongbayan, ang ramdam na ramdam lang ni Juan ay gutom? Sino ba ang pabyahe-byahe at tumatrato sa buwis ni Juan bilang pocket money? Sino ang nagkorap sa lahat ng institusyon ng demokrasya, ang Kongreso, ang Korte, ang Comelec, ang Simbahan, ang Sundalo? Sino ang gumawa ng tama sa mali at mali sa tama?

Sa kabilang banda, meron ka bang narinig na nagnakaw si Cory, nagnakaw si Noynoy, nagnakaw ang mga kapatid ni Noynoy? Paminsan-minsan si Kris ay nagnanakaw ng eksena, pero pwede na rin nating palampasin yon. Paminsan-minsan din, si Noynoy ay nagnanakaw ng halik, pero pwedeng-pwede nating palampasin yon.

Ano?ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Kagandahang Asal laban sa Asal-aso? Di ba Good vs. Evil?

May araw din kayo.

At may araw din kami.

Pinangako ko sa sarili ko na kapag tumugon si Noynoy Aquino sa hamon ng panahon, susulatin ko ang kolum na ito. Tagalog pa rin dahil me mga bagay na masasabi mo lang na swak na swak sa lingwaheng malapit sa puso o bituka mo.

May araw din ang taongbayan.

?Yan ang naisip ko sa Club Filipino noong nakaraang Miyerkoles. Naghalong ?Tapos na ang maliligayang araw n?yo,? at ?Sa gitna ng kadiliman ay meron ding bukang-liwayway.? Mangiyak-ngiyak ang mga kaibigan ko habang pinakikinggan si Noynoy maghayag na tatakbo siya bilang pangulo ng bansa. Naisip ko: Ganyan nga siguro ang pakiramdam ng mga bilanggong malapit nang palayain. Hindi ko sila masisisi. Ganyan din ang naramdaman ko.

Pagkatapos ng matinding paghihirap, makakaginhawa din. Pagkatapos ng matagal na pagkabilanggo, makalalaya din. Pagkatapos ng walang humpay na kabiguan, magtatagumpay din.

May araw din tayo.



Copyright 2014 Philippine Daily Inquirer. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk.
Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate.
Or write The Readers' Advocate:

c/o Philippine Daily Inquirer
Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets,
Makati City, Metro Manila, Philippines
Or fax nos. +63 2 8974793 to 94

Share

RELATED STORIES:

OTHER STORIES:

COLUMNS:

  ^ Back to top

© Copyright 2001-2014 INQUIRER.net, An INQUIRER Company

The INQUIRER Network: HOME | NEWS | SPORTS | SHOWBIZ & STYLE | TECHNOLOGY | BUSINESS | OPINION | GLOBAL NATION | Site Map
Services: Advertise | Buy Content | Wireless | Newsletter | Low Graphics | Search / Archive | Article Index | Contact us
The INQUIRER Company: About the Inquirer | User Agreement | Link Policy | Privacy Policy

Advertisement
Inquirer Mobile
Jobmarket Online
Inquirer VDO
BizLinq