Quantcast
Article Index |Advertise | Mobile | RSS | Wireless | Newsletter | Archive | Corrections | Syndication | Contact us | About Us| Services
 
  Breaking News :    
Advertisement
Robinsons Land Corp.
Xoom

INQUIRER ALERT
Get the free INQUIRER newsletter
Enter your email address:



Affiliates

 
Inquirer Opinion/ Columns Type Size: (+) (-)
You are here: Home > Opinion > Inquirer Opinion > Columns

  ARTICLE SERVICES      
     Reprint this article     Print this article  
    Send as an e-mail     Send Feedback  
    Post a comment   Share  

  RELATED STORIES  




 OTHER COLUMNS


imns


The Long View
Intervention for the prosecution

By Manuel L. Quezon III
Philippine Daily Inquirer
First Posted 23:27:00 11/12/2008

Filed Under: Impeachment, Congress, blogging

THE HOUSE OF REPRESENTATIVES didn't know what to do. But finally, its secretary-general accepted an intervention submitted by bloggers Marck Ronald Remorin, Edwin Lacierda, Jeremy Gatdula, Arbet Bernardo, Richard Rivera, Ria Jose (in Davao) and myself, together with retired Gen. Fortunato Abat, Pitch Mangondato, Jose Arce Jr. and Ed Bacungan, to include the BJE-MOA among the impeachment charges. What follows is the statement I made on my fellow bloggers' behalf.

* * *

Unang-una sa lahat, ang mga naniniwala na ang impeachment ay isang "numbers game," ay may mentalidad ng isang tuta na sunud-sunuran at hindi ginagamit ang pag-iisip bilang isang tao.

Ang Kongreso ay may dalawang bahagi: ang Kamara de Representates at ang Senado.

Kapag ang isang presidente ay may hinaharap na sakdal tungkol sa kanyang mga gawain bilang punong ehekutibo, ang Kamara ay ang tumatanggap ng mga akusasyon laban sa pangulo, at gumagampan ng pag-aaral ng ebidensya upang makilatis kung ito ay masusustansya at kung ito ay dapat ipursigi at litisin sa Senado.

Bilang mga pangkaraniwang mamamayan, bilang mga blogger, beterano, sibilyan, Kristiyano at Muslim, kami ay naniniwala na obligasyon namin na patibayin ng husto ang mga paratang laban sa Pangulo ng Pilipinas.

Sa aming pananaw ay dapat bigyan atensiyon ng Kamara ang isyu ng BJE-MOA sa pagitan ng Pangulo at ng MILF, ukol sa Mindanao. Ang usapang ito ay nabuo na may pahintulot ng Pangulo; ang sinasaad nito ay idineklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas. Kung hindi pumasok sa usapin ang Korte Suprema, marahil ay nagkapirmahan na sana sa Kuala Lumpur, sapagkat bukod sa inaprobahan ang kasunduang ito ng Pangulo, ay ipinahintulutan pa niya ang kanyang mga kinatawan na mangumbida ng mga representante ng iba't ibang bansa sa Kuala Lumpur.

Tinutulan ang BJE-MOA na ito ng maraming residente ng Mindanao--lalong-lalo na ang mga Kristiyano at ang kanilang mga opisyales; ang iba naman, tulad ng ating mga kapatid na Muslim, ay umasa na may kongkretong usapan sila ng Pangulo ngunit sila ay basta na lamang tinalikuran. Maaaring wala talaga siyang intensyon na ipatupad ang kanilang usapan, at sinadya niyang itago ang kasunduang ito sa mamamayan upang masabi niya na hindi naman nya ito maitutuloy sa dahilang hindi pa hinog ang panahon.

May panindigan o pananaw man o wala ang ordinaryong mamamayan sa usapang ito, ang naidulot lamang nito ay perwisyo at sakuna: sa buhay, ari-arian, kapayapaan at ekonomiya hindi lang ng Mindanao, kundi ng buong Pilipinas.

Ang ibig sabihin nito ay ginawang laruan ng Pangulong Arroyo ang buong Mindanao dahil lamang sa paghahanap ng malulusutan upang isulong ang pag-amyenda sa Saligang Batas o ang Cha-cha.

Ang ibig sabihin nito ay inilagay sa peligro ng Pangulong Arroyo ang lahat ng naninirahan sa Mindanao dahil lamang sa kanyang mga ambisyon.

Kung kaya't dahil sa mga ikinilos at ginawa niya; sa paglabag niya sa Saligang Batas; sa pagtalikod nya sa kanyang sinumpaang obligasyon na protektahan at depensahan ang Saligang Batas; sa paglihim niya sa mamamayang Pilipino ng mga patungkol sa mga probisyon na nais niyang isulong sa kasunduan; sa malinaw na panloloko niya sa mga kapatid nating Muslim; sa maraming nasawi or nabawian ng buhay na sibilyan at militar; at dahil sa kaguluhang idinulot nya sa Mindanao; ay pinaninindigan namin na dapat maisama sa impeachment complaint ang usapin na ito.

Ayun kay Atty. Neri Colmenares, kailangan lang namin ma-isumite ang interbensyon na ito, upang maaksyunan ng Kamara. Hindi na daw kailangan i-endorse ito ng sinumang diputado o kinatawan. Kami ay naniniwala kay Atty. Colmenares at sa mga kinatawan ng oposisyon sa Kamara.

Ngunit nananawagan pa din kami na kung maaari, sa darating na Lunes, ika-17 ng Nobyembre, ay i-endorse pa rin ng mga kinatawan ng oposisyon ang aming inihahain na dokumento na siyang pinagaralan namin at nilagdaan bilang pagpapatunay na ito ay ang aming panindigan. Kung kaya't umaasa kami na sana ito rin ang maging panindigan ng mga kongresista sa oposisyon at ng mga kinatawan na miyembro ng mayoriya, na tumutol sa kasunduang BJE-MOA.

Sa paraan na ito, ay mawawakasan na ang bangayan sa ating lipunan, mabibigyan ng pagkakataon ang Pangulo na sagutin ang mga paratang sa kanya, at makakasiguro ang Kongreso at ang taong-bayan na hindi nagtatago ang Pangulo sa likod ng kanyang mga patakbuhin.

Ang impeachment ay hindi nasasakluban ng executive privilege. Walang executive privilege ang impeachment. Kung tatalakayin ng tapat at ng walang kinikilingan ang mga paratang na nasasaloob sa impeachment complaint, kung pakikinggan ng wasto ang mga testigo, at kung pag-aaralang mabuti ang mga ebidensyang inihain ng mga complainant sa Kamara, ay makasisiguro tayo na magwawakas rin ang alitan ng administrasyon at oposisyon at ang pagkakahati ng ating mamamayan.

Nananawagan po kami sa sambayanan Pilipino na sana ay suportahan ang aming interbensyon.

Nais po naming magpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa amin, sila Joey de Venecia, ang mga bloggers na lumagda, ang mga kapatid naming Muslim na siya ring lumagda, ang mga taga iba't ibang hanay ng oposisyon na sana'y tumulong upang maging masustansya at matibay ang interbensyon na ito.

Pagkatapos naming isumite itong intervention na ito ay padadalhan namin ang bawat miyembro ng oposisyon ng kopya ng dokumento.

Kami ay nananampalataya na sa Lunes ay i-endorse na rin nila, kahit hindi kinakailangan, bilang pagpapatunay na buo ang loob at sentimyento nila na panagutin ang Pangulong Arroyo sa kanyang paglabag sa ating Saligang Batas at sa mga katiwalian niyang ginawa at patuloy na ginagawa.



Copyright 2009 Philippine Daily Inquirer. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk.
Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate.
Or write The Readers' Advocate:

c/o Philippine Daily Inquirer
Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets,
Makati City, Metro Manila, Philippines
Or fax nos. +63 2 8974793 to 94

Share

RELATED STORIES:

OTHER STORIES:

COLUMNS:

  ^ Back to top

© Copyright 2001-2009 INQUIRER.net, An INQUIRER Company

The INQUIRER Network: HOME | NEWS | SPORTS | SHOWBIZ & STYLE | TECHNOLOGY | BUSINESS | OPINION | GLOBAL NATION | Site Map
Services: Advertise | Buy Content | Wireless | Newsletter | Low Graphics | Search / Archive | Article Index | Contact us
The INQUIRER Company: About the Inquirer | User Agreement | Link Policy | Privacy Policy

Advertisement
Inquirer Mobile
Jobmarket Online
Inquirer VDO
BizLinq